11: Sunny Side Up

813 48 9
                                    

Andrea
how are you??

Ilang minuto na akong nakatitig sa huling text na natanggap ko kay Andrea. Noong isang araw pa 'to pero hanggang ngayon, wala pa rin akong reply sa kanya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Hindi ko pa talaga kasi alam ang nararamdaman ko ngayon.

Napalipat ang tingin ko sa bintana, nakasikat na ang araw. Maaga ulit akong nagising dahil nag-overnight ang mga kaibigan ko rito, maliban kay Leo na pinuntahan ang girlfriend niya kagabi, at umaga na umuwi sa kani-kanilang bahay. Ayaw nila akong iwan agad para makasigurong okay lang ako matapos kong mag-out sa kanila. Ang swerte ko talaga sa mga kaibigan ko.

Hindi na ako nakatulog ulit pagkaalis nila. Nabalik ang tingin ko sa phone ko. Hindi ko pa rin alam ang ire-reply ko sa kaibigan ko kaya inalis ko na lang muna ang text niya at bumaba na.

"Oh, anak, kakain ka na rin ba?" agad na tanong ni Papa noong makita niya akong pumasok sa kusina.

Siya lang ang nadatnan ko rito. Siguradong tulog pa ang mga kuya ko dahil usually, 2pm na sila nagigising. Mga may malalang body clock.

"Opo, pa." Umupo ako sa pwesto ko sa mesa at pinanood siyang magluto. Siguro, ito ang dahilan kaya paborito kong araw ang Sunday. Wala kasi siyang pasok at siya ang nagluluto buong araw. Nakakasawa ang mga luto ng mga kuya ko na puro prito lang, sunog pa minsan.

"Sunny side up ang gusto mo, 'di ba?" tanong ni Papa, bahagyang lumingon sa'kin.

"Opo."

"Pareho tayo," aniya. "Alam mo ba, madalas magreklamo noon ang mama mo na ang hirap ng gusto kong luto ng itlog, bakit hindi na lang daw scrambled," natatawa niyang kwento.

"Talaga po?" seryosong tanong ko. Natutuwa talaga ako kapag nagkwekwento si Papa tungkol kay Mama. Wala kasi akong masyadong alam sa kanya dahil hindi ko naman siya nakasama. Namatay siya pagkapanganak pa lang niya sa akin. Hindi na ako nabigyan ng pagkakataon na makilala siya. Hindi naman nagkwekwento masyado ang mga kuya ko kaya kay Papa lang ako umaasa kahit minsan at kaunti lang din siya magkwento.

"Oo, pero kahit nagrereklamo siya, ginagawa niya pa rin ang best niya para makuha ang luto na gusto ko. Pinipilit niyang i-perfect kaya nakakailang itlog kami sa isang araw sa kauulit niya."

Parehas kaming natawa roon. Sa mga kwento ni Papa, mukhang matindi ang pagmamahalan nilang dalawa. Sayang lang at 'di ko ito nasaksihan. Masasabi pa na ako ang nagwakas dahil ikinamatay ni Mama ang panganganak sa'kin. Naalala ko na madalas kong iyakan ang isipin na 'yon noong bata pa ako. Sinasabi na lang ng mga kuya ko na normal lang 'yun at talagang nahirapan kasi sa akin si Mama dahil ang lusog kong sanggol, biro nila.

"Basta anak, 'pag nakita mo na ang taong paglulutuan mo ng itlog, okay lang kahit makailang ulit ka para maibigay ang gusto niya." Inilapag na ni Papa sa mesa ang mga niluto niyang almusal namin. "Pero okay lang din na hindi ka na umulit nang umulit. Dahil kung mahal ka talaga ng isang tao, tatanggapin niya ang kung anong kaya mong ibigay... nang paulit-ulit," dagdag niya.

Hindi ako nakasagot sa mga sinabi ni Papa. Natigilan ako noong pumasok sa isipan ko ang taong nais kong paglutuan ng itlog habambuhay.

Ano na, Bonifacia? Hihintayin mo na lang ba na may ibang magluto ng itlog para sa kanya?

Naalis ako sa pag-iisip noong tumunog ang phone ko na nailapag ko sa mesa. Nag-text si Andrea. Pasimple kong binuksan ang message dahil ayaw ni Papa na gumagamit kami ng gadgets sa hapag.

BonifaciaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon