04: Text

977 64 7
                                    

Matapos ang ilang taon ng pagtatanong, malinaw na sa 'kin ang nararamdaman ko—at hindi ko alam kung matutuwa ba ako o mamomroblema lalo. Sa araw-araw na ginawa Niya at sa araw-araw na kasama ko siya, hindi nawala ang pangamba sa 'kin. Hindi ko inakala na nakakatakot palang magmahal.

Ang dami kong gustong sabihin sa kanya, pero hindi ko magawa. Ang dami kong gustong gawin, pero hindi ko alam kung paano.

Nakakasira ng ulo.

Pero kahit ganon, ayos lang dahil nakakasama ko naman siya. Araw-araw akong malapit sa kanya. Malaya ko siyang nakakausap. Alam ko ang lahat ng nangyayari sa kanya.

Kaso, madalas akong dapuan ng konsensya.

Para kay Andrea, wala lang ang paghawak namin ng mga kamay. Wala lang ang mga ngitian naming dalawa. Normal lang para sa dalawang magkaibigan.

Pero sa akin... hindi.

"Boni! Paabot nung mitten!"

Natarantang iniabot ko kay Andrea ang mitten na nasa tabi ko. Binuksan niya ang oven at inilabas ang brownies na tinulungan ko siyang i-bake.

"Perfect!" nakangiting aniya.

Lumapit ako at napangiti rin nang maamoy ang gawa namin (o 'niya' lang dahil taga-abot lang ako ng mga kagamitan). "Ang bango," komento ko. Bukod sa pagsasayaw, hilig din ni Andrea ang baking at isa ito sa mga nagustuhan ko sa kanya dahil sobrang sarap ng chocolate and peanut butter brownies niya.

"Not yet, Bonifacia. Kailangan pa nilang mag-cool down," sabi niya noong akmang kukuha ako ng isa. "Ihanda mo na 'yung movie, susunod ako sa room."

Wala akong ibang nagawa kundi sumunod sa kanya. Umakyat ako sa hagdan ng bahay nila at pumasok sa kwarto niya. Kinuha ko 'yung laptop niya at sinet ang movie na papanoorin namin. Magiging busy kami sa school this month kaya gusto naming mag-bond habang may pagkakataon pa. Naisipan naming gawin ang madalas naming libangan noon pa man: mag-movie marathon at kumain ng mga paborito naming pagkain.

Napangiti ako nang makita sa files ang paboritong pelikula ni Andrea. Hindi siya nakaka-relate, pero grabe ang iyak niya. Hindi siya nakaka-relate, samantalang ako, parang kwento ko ang pinagbasehan nung gumawa.

Typical nahulog-ang-isa-sa-mag-best-friends-pero-hindi-niya-maamin-dahil-ayaw-niyang-masayang-ang-friendship-nila-kapag-ni-reject-siya movie.

Nakakaloko.

Pagdating ni Andrea sa kwarto, dala ang mga kakainin namin katulong ang isa sa mga kasambahay nila, plinay ko na ang movie. Gaya ng una at ika-isang libo't kung ilang beses na panonood namin, hindi ako makapag-concentrate sa palabas. Nakatuon ang atensyon ko sa katabi ko na tahimik at seryoso sa pag-intindi ng bawat linyang binibitawan ni Jolina.

Mali ba talagang mahalin ka? tanong na hindi maalis sa isip ko habang pinapanood namin ang pelikula, habang kasama ko siya.

Buntong-hininga.

Nawala ako sa malalim na pag-iisip nang marinig ko siyang humihikbi na naman. Kung iba siguro ang kasama niyang manood, hindi siya iiyak. Si Andrea ang tipo ng taong hindi pinapakita ang "weak side" niya. Bubbly ang dating, nagra-radiate ng positivity. Ayaw niya raw manghawa ng lungkot. Isa rin yon sa mga nagustuhan ko sa kanya. Ang isa pa, sa 'kin niya lang ipinapakita ang mga luha niya. Napakaswerte ko. Kasi best friend ka niya, may sumagot sa isip ko na nagpasimangot sa 'kin. Ito na naman ang konsensya ko, walang balak na tigilan ako. Pinilit kong mag-focus sa palabas, damahin ang bawat linya gaya ng ginagawa ni Andrea.

Pero hindi ko magawa.

Hindi ko mabalewala. Kailan ko nga ba unang naramdaman 'to? Noong unang beses kaming nagkita? Noong unang beses kaming nag-usap? Noong unang beses niyang hawakan ang kamay ko? Noong nilibre niya ako ng ice cream pagkatapos niya akong tulungan sa unang dalaw ko?

Hindi ko na alam. Basta, naramdaman ko na lang at hindi ko rin alam kung hanggang kailan 'to.

Paano mag-move on sa crush? minsan ko nang naitanong kay Google, pero maging siya, malabo—hindi sigurado. Humugot na lang ulit ako ng isang malalim na hininga. Hahayaan ko na lang, ako lang naman ang nakakaalam.

Nawala ako sa pagkatulala ko nang mag-vibrate ang phone ko. Nag-text si kuya Marcelo.

Kuya M
san ka bon bon?

To: Kuya M
kina andrea. bakit kuya?

Kuya M
wala. enjoy :)

Napakunot ang noo ko sa reply ni Kuya. Enjoy? Anong ibig niyang sabihin? Napaangat ang tingin ko mula sa phone nang maramdaman kong humilig sa 'kin si Andrea. Tapos na 'yung eksenang hindi niya maiwasang iyakan. Pulang-pula na naman ang ilong niya at basa ang mga pilik-mata. Minsan, gusto ko siyang tanungin kung bakit sobrang affected niya sa movie gayo'ng malabong nakaka-relate siya katulad ko.

Tinitigan ko ulit muna ang cryptic text ni Kuya bago tumipa ng reply.

Enjoy.

To: Kuya M
ok po

BonifaciaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon