25: In Between

679 40 8
                                    

"Anak ng putspa? Minsan na nga lang tumaya, talo pa!" inis na anas ni Tom.

"Hoy, bibig mo," sita ni Jax at saka tinakpan ang mga tenga ng kapatid na nakaupo sa pagitan naming dalawa.

Pagkatapos ng hapunan, nag-decide kami na hindi muna maglangoy at maglaro na lang ng isang card game na sinuggest ni Jojo. Sinang-ayunan naming lahat iyon maliban kay Hailey dahil hindi niya alam kung paano maglaro. Pagkatapos ng unang round na hindi siya kasali, pinag-explain niya si Jojo.

"May ilalapag na pera ang bawat isa, same amount, iyon ang magiging pot money. Bibigyan ng two cards each ang players, ikaw bahalang tumingin kung pwede mong ipangtaya ang mga 'yon. 'Pag sa tingin mo ay olats, itaob mo. Kung may laban, ipakita mo sa lahat at saka kukuha ang dealer ng isang card mula sa deck at-" Naputol ang pagpapaliwanag ni Jojo nang magsalita si Hailey.

"Okay, okay, I got it."

"Gets mo na?" tanong ni Jojo.

"Yeah, thanks to Google." Iniharap niya ang screen ng phone niya sa kaibigan ko.

"Ano? Hindi ka nakinig sa mga sinabi ko?" Halatang naasar si Jojo.

"It's your fault, you talk so mabilis I couldn't-"

"Oo na, tama na, mag-e-LQ pa eh," pinutol na sila ni Tom. "Gusto ko nang bumawi."

Sa sumunod na round, nanalo agad si Hailey na napatalon pa sa tuwa. Inirapan siya ni Jojo na dealer namin. Sumunod do'n, si Tasha tapos si Leo. Nanalo rin si Ethan na first time lang din pala maglaro, pagkatapos niya ay ako. Sumunod ay si Andrea tapos si Jojo. Noong si Jax naman ang nanalo, nagsunod-sunod iyon hanggang sa maubusan na kami ng pera pangtaya. Hindi pa rin nananalo si Tom.

"Anak ng tokwa talaga," frustrated niyang sabi. "'Di bale, 'yan na ang pa-birthday ko sa 'yo, pre," wika niya kay Jax na tinawanan lang siya.

"Mama!" Biglang nagising ang kanina pa inaantok na si Janina nang makita si Tita Mikaella na kararating lang kasama ang tito nila. Tumakbo si Janina sa mama niya at agad na nagpakarga kahit malaki na.

Binati namin si Tita at nagpasalamat sa treat ngayong birthday ng anak niya. Inaya ko muna siyang kumain bago sila pumunta ni Janina sa kwarto dahil gusto nang matulog nung bata.

"At ngayon, ang tunay na celebration," sabi Tom na ikinakunot ng noo ko. "Ilabas na ang case, Tito!" aniya.

Napailing muna ang kapatid ng mama nina Jax saka hinila ang isang case ng beer mula sa likod ng cottage namin. Napa-facepalm ako.

"Happy birthday, Jaxon!" sabay-sabay na bati ng tatlong mokong habang itinataas ang mga boteng binuksan na nila. Natatawang nakipag-cheers sa kanila si Jax.

Kumuha rin ng bote si Ethan at binuksan iyon. "Boni?" alok niya sa 'kin. Kinuha ko iyon. Nagbukas pa siya ng mga bote at binigyan din sina Hailey bago ang sarili niya.

Napatingin ako kay Andrea na nakatingin lang sa bote niya. Bigla siyang napalingon sa 'kin kaya nagtama ang mga tingin namin. "Please 'wag mong sabihin 'to kay Mom."

Natawa ako. "Basta isa lang."

Ngumiti siya at tumango. First time lang ni Andrea uminom kaya ayokong mapasobra siya. Isang bote lang din ang iinumin ko para manatili akong matino at mabantayan siya.

"I'll have two," sabi ni Hailey kaya napatingin kami sa kanya. "What? It's not my first time, don't worry."

Habang nag-iinuman, naisipan naming maglaro ulit. Hindi na baraha pero parang sugal pa rin. Truth or Dare.

Pinaikot ni Tom 'yung bote na naubos na niya ang laman at tumigil ito sa tapat ni Jojo. "Truth or dare, boy?"

"Truth," sagot ni Jojo.

BonifaciaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon