15: Kulay

725 46 6
                                    

"Malilibre na rin kita," nakangiting wika ni Andrea, nasa counter kami ng paborito naming tambayan, umo-order. Naiwan naman ang dalawang lalaking kasama namin sa usual spot namin, mukhang nagkwekwentuhan.

"Oo nga, after forever," pabiro kong sagot pero hindi ko magawang tumawa o ngumiti kaya ang dry ng pagkakasabi ko. Paano ko ba naman kasi gagawin 'yon, knowing na hindi ko solo ngayon si Andrea? Okay lang sana kung sina Jojo ang kasama namin ngayon dito pero hindi, iba—'yung isa pa niyang admirer, 'yung hindi anonymous.

"Okay ka lang ba, Boni?" nag-aalalang tanong niya at saka idinikit ang likod ng palad niya sa noo at leeg ko. Sandaling nanigas ang katawan ko ro'n pero kumalma rin agad.

"O-Oo naman." Napaubo ako nang mahina dahil parang kumati ang lalamunan ko, dahil siguro sa pagsigaw ko kanina na tinalo pa ang lakas ng tambol.

"Are you sure? Baka napagod ka kanina sa pag-cheer mo sa 'kin. Does your throat hurt? Huwag ka na lang muna kaya mag-ice cream?" aniya.

"Hindi pwede, second time na ililibre mo 'ko rito. Kakain ako," saad ko, napakamot na lang sa leeg dahil hindi ko naman makakamot ang lalamunan ko.

Binitbit ko 'yung tray ng ice cream namin papunta kina Jax. Nauuna sa 'kin si Andrea, umupo siya sa tabi ni Ethan na kaharap ng kaibigan kong lalaki. Hindi sa ayaw kong tabihan ang isa ko pang best friend, pero sa iba ko gustong tumabi ngayon. Napalakas ang pagbaba ko ng tray sa table, sanhi para mapatingin sila sa 'kin.

"Sorry," sabi ko at umupo na. Tahimik lang ako habang nag-uusap sila tungkol sa kung anu-ano. Mukhang okay talaga sa isa't isa sina Ethan at Jax dahil ang dami na nilang napagkwentuhan mula sa banda namin, na fan daw si Ethan, at basketball na parehas nilang hilig.

"Boni?"

Napaangat ang tingin ko noong tawagin ako ni Jax. "Ha?"

Ngumiti ang kaibigan ko tsaka pinunasan ang gilid ng mga labi ko gamit ang piraso ng tissue. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang pero parang may nahagip ang mga mata ko na pagkuyom ng kamao.

"May tinatanong si Ethan," ani Jax.

"Sorry, ano 'yun?" Bumaling ang tingin ko kay Ethan.

"My family runs a small resto. Every Christmas Eve, kumukuha kami ng artists na pwedeng mag-perform at i-entertain ang customers. I thought that maybe you're up for it. What do you think?"

Nag-iisip pa lang ako ng isasagot nang magsalita si Andrea.

"I think you should go for it, Boni. If I'm not mistaken, iyon ang magiging unang pagkanta mo sa harap ng maraming tao, maliban sa school. Another step closer to your dream na makakanta sa iba't ibang entablado sa buong mundo," saad niya, nakangiti at mukhang natutuwa sa ideya.

Napangiti rin ako dahil naaalala niya ang isa sa mga pangarap ko sa buhay. 'Pagkuwan, tumango ako na ikinatuwa ni Ethan.

Ibinalita namin kina Jojo ang offer ni Ethan. Nagkita-kita kami sa bahay nina Jax pagkatapos ng Christmas party namin.

"Sayang, hindi rin ako pwede. Ayos na gig din 'yun ah," wika ni Tom. Hindi sila pwede ni Leo sa araw na sinabi ni Ethan dahil may mga lakad sila ng mga pamilya nila. Ibig sabihin ay kaming tatlo lang nina Jojo at Jax ang magpe-perform.

"Kaya niyo 'yun, Boni, 'wag kang mag-alala," ani Leo.

"Oo, next time ay buo na tayo," dagdag ni Jax.

"Sana bago 'yung next time, maibigay mo na muna 'yung regalo mo sa 'kin," pambarang sagot ko. Ako 'yung nabunot niyang monita, pero hanggang ngayon, wala pa rin siyang ibinibigay sa 'kin. Ako lang ang walang natanggap kanina sa room. Hindi naman ako mahilig sa regalo pero parang sinasadya niya na ako lang ang walang nakuha kanina. Nakakainis, best friend pa naman niya ako.

Nauna pang magbigay ng regalo si Ethan. Isang guitar pick ang ibinigay niya sa 'kin na na-appreciate ko maliban sa kulay nito na pink, least favorite ko.

Natawa sila sa sinabi ko at inasar si Jax na kuripot.

"Teka lang kasi, nasa kwarto ko," aniya.

"Nako po, 'wag mong sabihing aayain mo si Boni na pumunta ro'n?" pang-asar na tanong ni Jojo.

Napansin kong namula si Jax at mukhang nahiya kaya ako na ang sumagot. "Anong meron? Matagal na akong nakakapasok do'n. Halika na, Jax." Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa sofa at tumungo sa hagdan.

"Ano, halikan na?" narinig kong pang-aasar pa ni Jojo na tinawanan ng dalawa pang mokong.

Napairap na lang ako sa kalokohan ng mga kaibigan namin. Mga weirdo talaga. Tulog na si Janina noong nadaanan namin ang kwarto niya. Sayang, kasundo pa naman niya kaming mga kaibigan ng kuya niya, maliban kay Jojo na asar na asar siya. Gets ko kung bakit.

"Nasaan na?" tanong ko pagkatapos umupo sa kama ni Jax. Inilibot ko ang paningin sa kwarto na madalas ko ring tambayan noon. Naging madalang lang ang pagpasok ko rito simula noong asarin din kami ni Tita Mikaella na mama ni Jax. Hindi na ulit ako inaya ni Jax na tumambay rito.

Lumapit siya sa schoolbag niya at may kinuhang kahon na may balot na kulay blue. Ngiting-ngiti ako noong inabot niya sa 'kin 'yon. Agad kong sinira ang balot at napatulala sa regalo.

"Kanina ko pa gustong ibigay 'yan sa 'yo, kaso naisip ko na sa amin ka pa lang nagsasabi at baka may... magtaka," maingat na saad niya habang napapakamot sa batok. "H-Hindi sa ikinakahiya kita ha, sobrang proud nga ako sa 'yo. Ayoko lang na mailang ka sa-"

Naputol ang sinasabi niya noong bigla akong tumayo upang yakapin siya. "Thank you," bulong ko. Naramdaman kong natigilan siya sa ginawa ko, pero mayamaya ay niyakap din ako pabalik.

"Always welcome," bulong din niya.

Napangiti ako at napatingin sa hawak ko na bigay niya. Isang guitar strap na kulay bahaghari—kulay ko.

BonifaciaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon