39: Waiting Game

632 37 1
                                    

"Again, congratulations to this academic year's student council officers!"

Nagpalakpakan kami matapos batiin ng assistant principal na si Ma'am Ganzagan ang bagong halal na SC. Sa batch namin nagmula ang bagong president at hindi ko pa rin alam kung tama ba ang nakikita ko.

"I liked her as our muse pero hindi ko na-imagine na maging president siya, especially sa student council."

Napatingin ako kay Jeslyn dahil sa sinabi niya. Isa siguro sa traits na nagustuhan ko sa kanya ay ang pagiging straightforward niya in a good way. Naaalala ko sa kanya si Hailey, medyo walang filter nga lang si Hailey minsan pero sinisigurado rin niya na mapakikinggan siya.

Bumalik ang tingin ko kay Sofia na may malawak na ngiti sa mga labi. She surely enjoys the attention. I guess, ganoon din ang pakiramdam niya every time na lumalaban at nananalo siya sa beauty pageants ng school. Iba nga lang noon at ngayon. Dati, sabay-sabay namin siyang chinicheer magkakaklase. Ngayon, I tried my best na hindi siya pansinin noong campaign period. Kada magkita kami, palagi niya akong binabati o pinaplastik. Lagi siyang nakangiti na parang anghel na hulog ng langit dahil hindi siya welcome.

"Hindi ko pa rin makalimutan 'yung pinalitan ko siya noon bilang flower girl," sabi ko.

"OMG! Sorry, wala na talaga akong ibang choice no'n. Sabi niya may emergency siya noon, but I doubted it."

"At ako ang nagdusa."

"Malaking tulong naman 'yon sa booth natin," saad ni Jes.

Napakunot-noo ako. "Paano?"

"Secret lang dapat 'to pero okay. It was Jax's condition. Tatanggi na siya noon na maging pari natin pero narinig niya 'yung problema kay Sofia. Sabi niya, itutuloy na niya 'yung role niya if and only if bigyan din kita ng role. So, ayon."

Napakurap ako nang ilang beses sa narinig. Anak ng... Jax? Bakit?!

"Please, 'wag mong sabihin sa kanya, baka hindi na siya pumayag sa future roles niya sa klase natin," wika ni Jeslyn.

Gusto ko silang dalawang batukan pero wala nang magagawa 'yon. Bumuntong-hininga ako. "Okay."

Pagkatapos ng program, pinabalik na kami sa rooms. Umalis si Jax kanina sa pila dahil may inutos sa kanya ang adviser namin. Paakyat na kami sa hagdan ni Jes nang may tumawag sa amin.

"Hey, girls!"

Napalingon kami kay Sofia na naglalakad palapit sa amin. Proud na proud siyang naglakad sa hallway at gitna ng mga estudyante.

"Hindi niyo man lang ba ako i-co-congratulate?" nagtatampong tanong niya sabay pout.

"Congrats, Sofia. I hope ma-lead mo ang council at ang buong student body nang maayos," ani Jes, mababakas ang sincerity sa mga salita niya.

Saglit na tumawa si Sofia at hinawi ang buhok niya. "Thanks, besties, kahit alam kong hindi niyo naman ako binoto."

"We-"

"What? Don't tell me, neutral kayo sa balota?" putol niya kay Jes.

"Hindi kami neutral, being neutral is the same as siding with the enemy. Tama ka na hindi ka namin binoto, naging honest lang kami sa pagboto namin," saad ko na ikinataas ng isang kilay ni Sofia.

"Enemy, wow, big word. So, you voted honestly, huh?" Ngumisi siya. "Hindi kayo wise kung honest kayo."

"Mas mabuti nang gano'n kesa-"

"Kesa ano? Say it, bitch!"

Napatigil ang mga naglalakad na estudyante nang sumigaw na si Sofia. Dati, kinakabahan ako sa tuwing nakakaengkwentro ko siya. Ngayon, medyo gumagaan na ang loob ko kapag nasasabi ko na sa kanya ang mga dapat niyang marinig.

BonifaciaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon