23: Ang Gabi

722 41 14
                                    

Malaki ang ngiti ko pagkauwi ng bahay matapos kong ihatid si Andrea sa kanila. Napansin pa nga iyon ng mga kapatid ko at tinukso ako.

"Mukhang galing sa date ang bunso natin ah, dalaga na talaga," wika ni Kuya Jose. Nasa hapag kaming lahat at naghahapunan.

"Sino bang ka-date mo, Boni? Sinagot mo na ba 'yan?" pag-uusisa ni Kuya Antonio, ngumunguya pa.

"Oo nga, ginabi ka pa sa date niyo," dugtong ni Kuya Juan.

"Si... Andrea ang kasama ko buong araw," sagot ko. Napatango na lang ang mga kuya ko at nanahimik. Nagkatinginan naman kami ni Kuya Marcelo at parehong napangiti.

Madalas ko ulit makasama si Andrea sa bahay nila at kung saan dahil kaunti na lang ang mga ganap sa school at mukhang sa school lang ang hangouts nila ni Ethan ngayon. Palagi ko rin siya kasama dahil naghahanda na kami para sa final exams namin sa first week ng susunod na buwan.

Kauuwi ko lang sa bahay mula kina Andrea at naghahanda na akong matulog nang tumunog ang phone ko. May notification.

Hailey Lopez sent you a friend request.

Agad kong in-accept ang request ng pinsan ni Andrea.

Hailey Lopez
gosh i cant believe ako pa nagsend ng req 🙄

Bonifacia Sison
good eve rin Hailey
may kailangan ka?

Hailey changed the chat theme to Lavender Purple.

Hailey Lopez
gosh i hate blue!
actually dear Boni
youre the one who has kailangan from me

Bonifacia Sison
uh.. ano?

Hailey Lopez
meet me tomorrow

Bonifacia Sison
can't
magkikita kami ng banda

Hailey Lopez
with Jax?!??
omg WHERE

Bonifacia Sison
kina Jojo

Hailey Lopez
ewww
that guy with kulot hair??

Bonifacia Sison
haha oo
yung pogi raw

Hailey Lopez
YUCK
HE IS NOT POGI
Jax is the only pogi 🤤

Bonifacia Sison
wew
ok

Natatawa na lang talaga ako sa kabaliwan niya sa kaibigan ko. Sinend ko na sa kanya 'yung address nina Jojo at saka nagpaalam na matutulog na.

Kinabukasan, mas maaga pang dumating si Hailey kesa kina Jax. Pagkakita pa lang nila ni Jojo sa isa't isa, panay na ang parinigan.

"It stinks here," reklamo ni Hailey. Tinapunan niya ng tingin si Jojo na nakaupo malapit sa kanya.

"May sinasabi ba ang hilaw na mangga na 'to? Gusto niya atang isawsaw ko siya sa bagoong." Bakas ang pagkaasar sa boses ni Jojo.

"What did he call me? Hilaw na mangga?!" hindi makapaniwalang tanong naman ni Hailey, napahawak siya sa baba niya na hindi naman kahabaan kung tutuusin. "I get that, kulot!"

Sasagot pa sana si Jojo pero dumating na ang kanina pa hinihintay ng babaeng kasama namin.

"Jax, my love! I've been waiting for you." Agad na lumingkis naman si Hailey sa braso ng kaibigan ko na napakunot ang noo at halatang nagtataka kung anong ginagawa ng pinsan ni Andrea rito.

Maghapon nandito si Hailey. Mukhang hindi naman siya naburyo kahit nag-usap lang kami ng mga kabanda ko dahil panay ang pagkuha niya ng picture at video kay Jax. Tinabihan ko siya noong break ng meeting namin habang hinihintay ang pameryenda ni Jojo. Sagot niya ang meryenda ngayon dahil nakakahiya naman daw sa 'bwisita'. Pinaringgan niya talaga.

BonifaciaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon