37: Pink Is the Warmest Color - D

682 44 9
                                    

Andrea's POV

"Gusto kong magtapat."

Napahinto ako noong narinig ang boses ni Jax mula sa loob ng cottage noong madaling-araw pagkatapos ng birthday niya.

"A-Ano?" narinig ko rin ang kabadong boses ni Boni.

"Boni... matagal na kitang mahal."

Tuluyan akong natigilan at napako sa kinatatayuan ko. Kung tatanungin, hindi ko alam kung sinong mas nagulat sa aming dalawa ni Boni noong oras na 'yon. Alam ko naman na dahil napag-usapan na namin ng pinsan ko pero hindi ko in-expect na masasaksihan ko pa ang pag-amin ni Jax. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.

Tuwa para sa kanya? Sa kanila? Ano na bang mangyayari ngayon? Magiging sila na? Ano naman? Bakit ko ba iniisip ang mangyayari? Bakit ko ba pinangungunahan ang situation na hindi naman ako involved?

Natulala ako nang ilang sandali at hindi ko namalayang dumulas na pala ang hawak kong shampoo bottle at nahulog. Nakita kong sabay silang napatingin sa 'kin sa gulat.

"S-Sorry, naistorbo ko kayo. A-Akala ko kasi... parang n-nakita ko si Hailey." Hindi ko na naiwasang mautal.

Napansin kong lalapitan na ako ni Boni pero agad akong nagpaalam at naglakad palayo, hindi na lumingon pa sa kanila.

Hindi ko pa maintindihan ang sarili ko noon. Bakit ganoon ang naging reaction ko sa confession ni Jax? Bakit ako nagulat? Bakit ako nasaktan? Tama ba si Hailey? Iyon ba ang dahilan kaya ako nagkakaganito?

Am I really in love?

Bigla akong nakaramdam ulit ng takot. Hindi ko na alam ang mararamdaman ko sa lahat. I didn't know what to do. Should I pursue this feeling or ignore it until it's gone? Tama bang ganito ang nararamdaman ko? I felt lost. Hindi pa nakatulong ang mga sumunod na pangyayari.

Dad came home. Matagal namin siyang hindi nakasama because he works abroad, and he's here now because of my birthday. I should be happy pero I felt the opposite.

"Hindi mo man lang ba ako babatiin?" he asked noong nakatayo lang ako sa harapan niya, nakatitig.

As his daughter, wala akong choice kundi sundin ang gusto niya. Parang naging mas mahigpit ang parents ko dahil nandito na ulit siya. Bihira na ulit akong payagang lumabas at kung related sa debut ko lang pwede. I was stressed for weeks at hindi lang 'yon dahil sa debut preparations and kay Dad.

Ethan confessed.

"Wala ba akong chance?" tanong niya.

I was completely caught off guard. Hindi ko alam ang magiging reaction ko. "B-Bakit?"

"Bakit?" nagtatakang tanong niya. "It's not mutual, right?"

"Ethan," tawag ko. "I'm sorry." Wala na akong ibang nasabi. Akala ko, our agreement was clear na ang relationship namin or whatever we have ay nabuo dahil lang sa kagustuhan ng parents namin. Nothing more.

"Si Boni ba?" tanong niya makalipas ang ilang sandali.

Napatulala ako sa kanya. "A-Ano?"

"You like her, don't you?" Seryoso ang mga mata niyang nakatingin sa 'kin.

Nakaramdam ako ng kaba at hindi ko na alam ang sasabihin ko. I fell silent.

"Sabi ko nga." Pagkasabi niya no'n, naglakad na siya palayo.

Lalo akong nakaramdam ng takot after that. He knows. Paano? Was I that obvious? Ganoon ba ako kabilis basahin? Should I be more careful with my words and actions around Boni? Pero above all of those thoughts, may isang tanong ang sobrang nagpabagabag sa 'kin.

BonifaciaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon