26: 'TOT GAng

712 41 7
                                    

Tila lumulutang ako noong pumasok na ako sa bahay. Kauuwi lang namin ngayong umaga galing sa resort. Akala ko pahinga ang gagawin ko pagkauwi pero ang daming tumatakbo sa isip ko kaya hindi ako matahimik.

Paulit-ulit sa ulo ko ang ginawang confession ni Jax sa akin, kung paano niya sinabi ang tunay niyang nararamdaman at kung paano ko siya tinitigan lang; naiinis pa rin ako sa sarili ko. Hindi rin nawala sa isip ko 'yung mukha ni Andrea pagtingin namin sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang reaksyon niya pagkakita sa amin. Gaano katagal kaya siyang nando'n? Narinig ba niya 'yung pag-uusap namin ni Jax?

Bakit bigla na lang siyang umalis?

Napabuntong-hininga ako. Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari. Biglang gumulo ang lahat nang hindi ko namamalayan.

"Uy, Bon."

"Ha?" Napaangat ang tingin ko kay Kuya Jose.

"Tinatanong ko kung kumusta swimming niyo," saad niya.

"Ah, okay lang." Hindi, at kasalanan ko kung bakit hindi.

Tumango lang si Kuya Jose at ibinalik na ang tingin sa TV. Tahimik akong umakyat patungong kwarto ko. Lumilipad pa rin ang wisyo ko habang nakahiga ako sa kama at nakatitig sa kisame. Gusto kong malaman kung kailan nagsimula ang nararamdaman ni Jax kaso parang umurong 'yung dila ko noong nagkaroon ako ng pagkakataon. Hindi ko siya nagawang kausapin kanina sa byahe kahit magkatabi na kami sa likod dahil sa harapan umupo ang mama niya kasama ang kapatid niya. Hindi ko alam pero bigla akong nailang, nahiya, ewan. Basta, pakiramdam ko ay naging gago ako dahil sa halip na pagaanin ko ang ere sa pagitan naming dalawa, wala akong ginawa. Alam ko kung gaano kahirap gawin ang pag-amin sa taong gusto mo.

Ako nga mismo, hindi ko magawa.

Kailangan may gawin ako, hindi pwedeng tumagal ang layo namin ni Jax sa isa't isa. Kinuha ko 'yung phone ko at tiningnan kung online siya. Active now. Sinubukan ko siyang tawagan pero nakailang attempts ako, hindi sumasagot. Pagtingin ko ulit sa status niya, active 2 minutes ago na ang nakalagay. Nag-chat na lang ako.

ma. bontot
jaxtot
kita tayo?

Sent.

Nanatili ang offline status niya kaya hinayaan ko na lang muna. Nakatulog ako sa paghihintay ng reply. Paggising ko, hapon na. Napahaba tulog ko dahil sa pagod at puyat, hindi agad kasi ako nakatulog pagdating ko sa kwarto kung nasaan ang mga babae; si Tasha ang katabi ko dahil si Hailey ang katabi ni Andrea.

Naalimpungatan ako noong tumunog ang phone ko. Nagreply na si Jax.

jaxtot
slr natulog
kakikita lang natin ah hsha

ma. bontot
gusto sana kjtang kausapin

jaxtot
kausap mo na ko

ma. bontot
in person sana

jaxtot
abt san ba

ma. bontot
ano.. basta

Seen. Dalawang minuto na typing.

jaxtot
may workshop si jani ngayong summer
sasamahan ko siya lagi
pwede mo naman sabihin yung gusto monh sabihin dito

Ako naman ang natagalan sa pagreply. Hindi ko siya pwedeng pilitin kaya tumigil na ako.

ma. bontot
sige.. saka na lang

BonifaciaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon