16: Merry Eve

714 47 9
                                    

To be honest, nagdalawang-isip ako kung tatanggapin ba namin ang offer ni Ethan. Hindi sa ayaw ko siyang pagbigyan, pero hindi pa ako sigurado kung kaya ko nang mag-perform sa labas ng school namin, sa harapan ng complete strangers. Unlike sa school, puro classmates at schoolmates namin na pamilyar na ang mga mukha sa 'kin ang audience namin.

Pero noong nagsalita si Andrea, bigla na lang akong kumalma at pumayag.

Nagbibiro ata si Ethan noong sinabi niyang "a small resto" dahil may resto dito pero walang small na katulad ng nabanggit. Ang daming tao sa loob, buhay na buhay ang establishment na puno ng makukulay na Christmas lights ngayong gabi. Maraming decors ang naka-display sa bawat sulok, feel na feel ang spirit of Christmas.

"Bigatin pala 'yung karibal mo, Boni," ani Jojo, pinagmamasdan ang lugar.

Napabuntong-hininga ako. 'Di hamak na mas asensado ang pamilya ni Ethan kumpara sa 'kin, ibig sabihin ay mas may kaya siya na ibigay ang mga gusto ni Andrea. Madali lang sa kanya bilhin ang mga bagay-bagay para sa taong pareho naming gusto, 'di tulad ko na kailangan pang mag-ipon.

"Pero pamilya niya talaga 'yon, hindi siya," dugtong ni Jojo.

"At 'di naman diyan ang sukatan kung mananalo o hindi," dagdag ni Jax kaya gumaan na kahit papaano ang loob ko.

Maya-maya, lumabas si Ethan sa main door ng resto. Mabuti na rin pala na hindi makakapunta si Andrea ngayon dito dahil kasama niya ang pamilya niya, sigurado kasi na ma-cu-cute-an siya kay Ethan na may suot na Santa hat.

"You guys are just in time!" bungad niya sa amin. Nakipag-high five siya kay Jax at ngumiti sa amin ni Jojo.

"Ah, si Jojo nga pala. Jo, si Ethan," pagpapakilala ko sa dalawa dahil ngayon pa lang talaga sila nag-meet.

At sa pang-ilang pagkakataon, sinabi na naman ni Ethan na fan siya ng banda namin. Pagkatapos ng pagpapakilala, pumasok na kami sa resto, dumaan kami sa pinto sa gilid na ang bungad ay ang stage na sa tingin ko ay para sa mga magpe-perform.

Habang nagse-set up sina Jax at Jojo, sinilip ko ang customers na masasayang kumakain sa gabi bago ang araw ng Pasko. May magkakamag-anak, magbabarkada, at mga magkasintahan. Napahinto ang tingin ko sa dalawang tao na nakaupo sa gilid. Malambing sila sa isa't isa, tila walang balak na itago ang relasyon nila kahit na parehas sila ng kasarian.

Bigla akong nakaramdam ng inggit.

Tumungtong na ako sa mini stage kung saan nakapwesto na sina Jax at Jojo. Mayroon kaming two sets, sa first set ay may three songs samantalang sa second set ay may two songs. Maayos lang ang pagtugtog namin at pagkanta ko, hindi na ako dinapuan ng kaba, naging kumportable rin ako sa mga nanonood. Pero, mas okay sana kung nandito ang paborito kong audience.

Nang matapos ang unang set, pinakain muna kami ni Ethan. Nakapagkwento pa siya tungkol sa resto na minana ng parents niya sa grandparents niya at soon ay mamanahin niya.

"Kaya ABM ang kinuha ko," aniya.

Parehas sila ng strand ni Andrea pero magkaiba ng year level. Balak ni Andrea magtayo ng bakery dahil nga sa isang hobby niya at kagustuhan din ng mom niya. Magkakasundo sila ni Ethan.

Kung tutuusin, mabuting tao naman talaga si Ethan, masasabi ko pa nga na maganda ang intensyon niya kay Andrea, pero hindi ko talaga magagawang maging boto sa kanya dahil nga iisa lang ang taong gusto namin.

Pagkakain, naghanda na kami para sa huling set. Ako ang kumanta ng second to the last song tapos si Jax sa huli. Bukod sa gusto kong kumanta, isa sa mga dahilan kaya pumayag akong bumuo ng banda ay dahil sa gusto ko ring kumanta ang nakababata ko. Naniniwala ako na dapat ibahagi ni Jax sa marami ang ganda ng boses niya na tama lang ang lalim at lamig.

BonifaciaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon