CHAPTER 09

929 37 1
                                    

Chapter 09  |Confess|

“Hoy, galit ka ba? Hindi ko naman alam na gagawin ‘yon ni Grey.” Sinubukan kong tusokin ang gilid niya pero nanatiling nakakunot ang noo ni Shun Clark. Masku ako sa sarili ko ay hindi ko rin alam bakit nagpapaliwanag ako, siguro dahil alam kong nagseselos siya? Halata, eh.

Hindi siya nagsasalita habang pauwi kami kaya kinulit ko siya nang kinulit.
Mukhang napigtas ko ang pasensya niya dahil inis na niya akong binalingan pagkatapos ko siyang tusokin ulit sa tagiliran.

“‘Di ba sabi ko sa‘yo huwag mong sasagotin?” Ako naman napakunot ang noo ngayon.

“Hindi naman nanligaw, ah? Saka wala akong planong sagotin si, Grey.” Hindi siya ang gusto ko. Hindi ko na sinabi ang huli dahil alam kong magtatanong lang siya.

“Pero may plano ka, kung hindi ko siya napigilan kanina ay nagpahayag na ‘yon nang panliligaw Anya! Public proposal, at dahil ma-pe-pressure ka sasagotin mo,” aniya na tila alam na alam niya ang gagawin ko.

Ngumuso ako sa sinabi niya, “Ano naman ngayon kong sagotin ko siya?” Paghahamon ko ng tanong sa kanya.

Ano ba’ng pake niya? Kahit masakit isipin na magkaibigan lang kami, ano’ng pake niya kung sagotin ko si Grey? Ano’ng pake niya bilang kaibigan?

“What?” singhal niya sa ‘kin. 

“Ano’ng pake mo kong sagotin ko si, Grey?” tanong ko ulit.

”May pake ako dahil magkaibigan tayo.” Tumigil siya sa paglalakad para lang sabihin iyon.

Kaibigan. . .

“‘Yon na nga Shun, kaibigan! ‘Di ba dapat ang kaibigan nagsu-suportahan?” Ayaw kong suportahan niya ako kay Grey dahil alam kong masakit ‘yon sa parte ko. Pero ngayon gusto ko siyang tanongin. Bakit siya gan'to?

“Paano ako su-suporta kung alam kong hindi siya makabubuti sa ‘yo?” 

“Hindi mo kilala si, Grey kaya paano mo nasasabi ‘yan?” sigaw ko pabalik. Our conversation is starting to heat up.

“Basta alam ko lang Anya, alam ko lang na hindi siya makabubuti para sa ‘yo,” aniya sabay iwas ng tingin sa ‘kin.  

“Edi, sino pala ang makabubuti para sa ‘kin!” Great! Nagsisigawan na kami sa gilid ng kalsada.

Hindi agad nakasagot si Shun sa sinabi ko. He was quick to fired up heated words but he’s silent.

Hanggang sa makauwi kami ay hindi na talaga siya nagsalita. Hinatid niya lang ako sa ‘min without saying a word.

Halos hindi ako makatulog sa gabing ‘yon, hindi ako mapakali. The thought na nag-away kami ni Shun makes me uneasy. Hindi ako sanay na ganito kami.

Kinabukasan ay Sabado kaya wala kaming pasok. For this day, I already decided what I’m going to do. Naligo muna ako at nag-ayos bago bumaba, the usual si Mommy ang naabutan ko sa kusina, nagluluto.

“Morning, nakabihis ka, ah? Saan ka pupunta?” tanong niya matapos pasadahan nang tingin ang kabuoan ko.

Ngumiti ako sa kanya bago sumagot. “Kina Shun po My, nag-away kami kaya magso-sorry ako. Roon na lang ako kakain My.”.Ngumiti naman sa ‘kin si Mommy.

“Mabuti ‘yan, para magtagal ang relasyon ninyo dapat ibaba mo ang pride mo.” Tipid lang akong ngumiti kay Mommy.

I’m very close to my family, specially to my mother. Lahat sa kanya ko sinasabi, I’m very open to her na kahit konting problema ay nasasabi ko.

My Ex Is Back!  (Love Academy Series 01)Where stories live. Discover now