~PROLOGUE~

2.7K 81 4
                                    

PROLOGUE. . .

“Ma’am bawal po ba talaga?” I pleaded.

“Naayos na ang groupings, Miss Guia. Bakit ba gusto mong lumipat?” Hindi ako makasagot sa tanong ng teacher namin.

Sinadya ko siya rito sa faculty room dahil sa gusto kong lumipat ng grupo sa isang group project namin. Akala ko ay mapagbibigyan niya ‘ko at madali lang ang hihilingin ko pero mukhang nagkakamali ako.

Agad akong nangapa ng isasagot, “K-kasi po. . .” Napayuko ako nang walang maisunod sa sinabi.

Kapag sinabi ko ang dahilan ko, sure akong pagtatawanan lang ako rito.

“Lish may problema ka ba sa mga kagrupo mo?” Mas mahinahon na niyang tanong sa ‘kin. Napabuntonghininga ako dahil may natumbok siya.

Meron Ma’am! Malaki ang issue ko sa isang ka-group ko! Syempre sa utak ko lang ‘yon sinabi.

“I don’t want to say it Ma’am kasi it’s an unreasonable reason but I still hope for your consideration Ma’am,” pagmamakaawa ko na talaga. Naku! Kung ‘di pa ako papayagan ni Ma’am magbibigti na lang ako!

Syempre joke lang. . .

Malalim na bumuntonghininga si Ma’am, “Hindi kita ililipat hangga’t hindi mo sinasabi sa ‘kin kung ano ang problema mo sa mga kagrupo mo.” Napapikit ako nang mariin, I closed my fist in frustration.

Bigo ako nang lumabas ng faculty room. Ang hiling ko ay hindi napagbigyan ni Ma’am.


Of course! I won’t say my reason kung bakit gusto kong lumipat ng grupo sa isang malaking group project namin.


Kung sasabihin kong ayaw ko dahil ayokong kagrupo ang ex ko, I’m sure pagtatawanan lang ako ni Ma’am. Mapapahiya pa ‘ko! Masasabihan pa ‘kong bitter!

Bitter na kung bitter! I know hindi pa ako nakakapag-move on, but I’m trying my best to move on at h’wag mahulog ulit sa mga salita, tingin, at kilos niya!

Hindi ko naman talaga gustong e-involve ang personal issues sa pag-aaral. Pero mahirap iwasan, eh!

Oh, gosh! Napailing ako sa sarili. I’m a hopeless case!

Iniiwasan ko nga si Clark dahil nakakatakot ang mga sinasabi niya, everytime he says a word o kahit malapit lang ang presensya niya sa ‘kin ay tila may tumutusok na karayom sa puso ko, o ‘di kaya ay nanginginig ang mga binti ko at natataranta ako.

Hindi ko gusto ang epekto sa ‘kin ni Clark kaya hangga’t kaya ko ay iniiwasan ko siya. But dang! Pinagsama pa kami sa iisang project!

This is a big project, halos two weeks ang preparation para sa film showing project na ito! Matagal na ang two weeks para sa ‘kin at isa pa, how can I act normal kung nand’yan siya sa paligid?

Paano ako makakapag-participate nang maayos sa project na ito kung tingin pa lang niya ay napapayuko na ‘ko?

“Tubig?” Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang boses na ‘yon. Sumulpot sa harap ko ang isang bottled water.

Ayan na naman! I can actually hear my heartbeats dahil sa lakas nito. Para akong na-stiff at nablangko nang sandali dahil hindi ko alam ang gagawin.

“Tulala ka? Why is there a problem?” Napayuko ako, ayokong tinitingnan ang mukha niya, hindi ko kaya.

Nagpalinga-linga ako sa paligid para maiwasan ang tingin niya. Ang malilikot kong daliri dahil sa pagkataranta ay hindi na mapakali.

“H-huh? Ah, w-wala,” sabi ko, hindi pa rin makatingin sa kanya.

“You came from the faculty office.” Hindi ‘yon tanong, sinabi niya ‘yon. Sasagot na sana ako nang magsalita ulit siya. “Why? Did you wish to transfer group?” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya, saglit akong napatingin sa mukha niya sabay iwas ulit.

Paano niya nalaman ‘yon? Kapag nalaman niya na hiniling ko nga ‘yon ay masyado na akong halatang ‘di pa nakaka-move on sa kanya.

“A-ano, k-kasi kailangan nila Mae ng editor sa grupo nila. W-wala silang editor kaya kinukuha nila ako, kaya gusto ko sanang lumipat.” I’m sorry Mae, I used your name! But it’s a half lie kasi totoo namang kinukuha ako nila Mae sa grupo nila, but it’s not my main reason kung bakit gusto kong lumipat.

“Really? Pinayagan ka?” malamig niyang tanong. Umiling lang ako bilang sagot.

“Lish, hanggang kailan mo ‘ko iiwasan ng ganito—” Abot-abot ang pasasalamat ko sa langit nang mag-ring ang cellphone ni Clark dahilan para matigilan siya sa sasabihin. Ayoko, ayoko talaga kapag umaabot kami sa komprontasyong ganito.

Ayokong marinig ang mga sasabihin niya, ayokong matunaw gamit ang mga salita niya.

Malaki ang rason kung bakit naghiwalay kami rati at ayokong magsalita siya at mag-explain dahil alam ko sa sarili ko na bibigay ako sa mga sasabihin niya. The years I’ve been through is so painful, ayokong isang paliwanag niya lang mapapatawad ko na agad siya. Kasi ang totoo gano’n ako karupok pagdating sa kanya.

Hinuli niya ang tingin ng mga mata ko upang manghingi ng pasensya dahil may tumawag sa kanya.

Naku! Clark you should not be sorry dahil may tumawag sa ‘yo, dapat nga ay ipagpasalamat pa ‘yon!

Lumayo siya nang bahagya upang sagutin ang tawag, hindi naman ako umalis sa kinatatayuan ko para hindi naman ako masabihang bastos.

“Hello?” ani Clark sa kausap.

“Yes, It’s me Shun Clark, why?”

“Yeah, Brianna Sertori." Halos magpantig ang tainga ko sa narinig na pangalan.

Brianna Sertori, the same name I heard from him years ago.

Agad nag-init ang gilid ng mga mata ko, hindi ‘to pwede! Mabilis pa sa kay flash na umalis ako at lumayo.

What I did is rude pero mas lalong hindi ko gugustohin na makita niya ang pagluha ko.

Deri-deritso ang lakad ko patungong washroom, pagkapasok ay agad akong nagkulong sa cubicle at doon kinalma ang sarili.

Shun Clark Tuazon! Bakit ka pa nag transfer sa Louise Vellomina Academy?

Maayos na ang buhay ko sa Louise Vellomina Academy, or Love Academy we called it that way for short. Noong nag-transfer siya rito, imbes na paahon na ako mas lalo pa ‘kong lumubog.

Kunot ang noo dahil sa galit, inis akong bumalik sa classroom namin. Ngayon ko lang kinainisan ang layo ng grade twelve rooms!

Pagpasok ay naabutan ko roon si Rose na tulala. Rose and Mae are both my friends, bestfriends actually.

Humarang ang isang armchair sa daan ko kaya halos masipa ko ito, naramdaman ko ang tingin sa ‘kin ni Rose kaya tumabi ako sa kanya sa pag-upo.

Mayamaya lang din ay pumasok si Mae sa classroom na busangot ang mukha. Hinila niya ang isang arm chair para umupo malapit sa ‘min.

Lahat yata ng bagay ay kinaiinisan ko ngayon. Pati ang nakakarinding tunog ng paghila ni Mae sa silya ay kinaiinisan ko.

Saglit na namutawi sa ‘ming tatlo ang katahimikan. Mayamaya. . .

“Anyari sa inyo guyz?” Sabay pa naming tatlong sinabi.

Katahimikan ulit ang namutawi sa ‘ming tatlo. Tila may prayer meeting sa tahimik namin ngayon. Nahulog naman ako sa malalim na pag-iisip.

Brianna Sertori. The girl and the reason behind our break up.

________________________
Names Pronunciation:

Lish Anya “Lian” Guia
Lish Anya “LiyanGiya

Shun Clark Tuazon
Shan Clark Tuwazon

My Ex Is Back!  (Love Academy Series 01)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt