CHAPTER 07

1K 43 5
                                    

CHAPTER 07  |Like|

I wonder kung hindi ko ba naging kababata at bestfriend si Shun Clark, madali kaya akong makakamove-on sa kanya?

What if kagaya kami ng karamihan na nagsimula ang kwento na hindi magkakilala simula pagkapanganak pa lang? What if we’re some strangers that met and eventually fell apart after learning a thing or two from each other?

Madali lang kaya ang pagmo-move on? Kung walang pagkakaibigan na nasira? Walang kasangga at bestfriend na nawala?

Those are my thoughts and what if’s habang nakahiga sa kama at nakatitig sa ceilling ng kwarto ko.

Kanina. . . imbes na mahiya dahil narinig ni Clark ang mga pinagsasabi ko tungkol sa kanya roon sa parking, halos nanlambot pa ang tuhod ko dahil sa titig niya.

‘Yung mapupungay niyang mga mata na nagpapaalala sa ‘kin ng napakaraming bagay.

Sa t’wing tinititigan niya ‘ko ng gano’n, pakiramdam ko ay ako lang ang tao sa mundo.

Natahimik sina Mae at Rose nang tumigil si Clark at mariin akong tinitigan.
My body froze, nakatulala lang ako habang nakaawang ang labi. Nang mga oras na ‘yon ay gusto ko na lang na kainin ako ng lupa!

Napasinghap ako nang walang sinabi ay pinagpatuloy ni Clark ang pagtadyak sa bisiklita niya. Ano ‘yon, tumigil lang siya para mariin akong titigan?

Nang makaalis siya ay roon lang yata ako nakahinga nang maluwag. Tila nakalimutan ko ang huminga dahil sa nangyari. Pakiramdam ko ay tumakbo ako ng ilang kilometro dahil sa paghapo ko.

Ngumiwi ako nang kinurot ni Mae ang bewang ko. Masakit!

“Ang bibig mo talaga ang ikapapahamak nating tatlo,” aniya sa ‘kin.

“It’s so embarrassing!” nakayukong saad ni Rose.

Ngayon ko lang napagtanto ang kahihiyang nagawa ko kanina, pabalikwas akong bumangon sa pagkakahiga, halos matapon ko lahat ng unan ko dahil sa panggigigil.

“Nakakahiya!” Pabagsak kong hiniga ulit ang sarili sa kama, hindi pa nawawala ang kahihiyan sa katawan ko kaya pinadyak-padyak ko ang paa sa ere.

“Ano na lang ang sasabihin sa ‘kin ni Clark nito? Na-bitter ako sa sa kanya kaya sinsiraan ko siya?”

Minsan nga magbabaon na ‘ko ng scotchtape, masyadong mapaminsala ang bibig ko!

“Sina Mae at Rose kasi eh, late ang action.” Hala sige, manisi ka Lish Anya, kahit ang totoo ikaw naman talaga ang may kasalanan!

Huminga ako nang malalim dahil sa frustration, muli na namang nalunod sa malalim na pag-iisp ang utak ko nang maalala ang nakaraan.





“Ano ‘yan?” Kunot-noong tanong sa ‘kin ni Shun habang naglalakad kami pauwi ng bahay. Gaya ng nakasanayan, siya ang nagdadala ng bag ko.

Kumunot din ang noo ko sa tanong niya. “Bulaklak siguro?” sarkastikong sagot ko.

Halos isang buwan na rin simula nang mag-high school kami, so far wala pa namang nagbabago sa ‘min ni Shun bukod sa iba na talaga ang pagtingin ko sa kanya. Magkaklase pa rin kami hanggang ngayon, nakakasawa na nga ang pagmu-mukha niya, eh! Syempre biro lang ‘yon.

“Alam kong bulaklak ‘yan! Bakit ka may gan’yan? Malayo pa ang Nobyembre at Pebrero, ah?” Ngumiwi ako sa puting bulaklak na hawak ko dahil sa sinabi niya.

Bawal ba magkaroon ng bulaklak kung hindi pista ng patay at araw ng mga puso?

“Bakit bawal? Bigay ’to ng taga-kabilang section,” sagot ko.

My Ex Is Back!  (Love Academy Series 01)Where stories live. Discover now