CHAPTER 26

615 28 2
                                    

CHAPTER 26 |Hug|

Nagmamadali kong sinuot ang nahablot na jacket mula sa closet nang e-text sa'kin ni, Clark ang address kung saan kami magkikita. Saglit kong inayos ang sarili, naglagay ng konting pulbo at liptint pagkatapos ay nagmamadali nang bumaba.

Nagkasalubong pa kami ni, manang sa hagdanan kaya agad niya akong tinanong saan ang punta ko.

"May kikitain lang akong kaklase manang." Sagot ko sa kaniya, I know she will conclude that it's Rose, or Mae kaya 'di na siya nagtanong. Oh well, hindi naman ako nagsinungaling, kaklase ko naman talaga si, Clark.

Sa pagmamadali ay hindi na ako nakapag-paalam pa kina mommy at daddy, agad akong pumara ng taxi nang saktong dumaan ito paglabas ko ng gate.

Ewan ko ba, bigla na lang akong naging desperada sa mga sagot sa katanongan ko, eh nitong mga nakaraang buwan grabe ang pag-iwas ko na marinig ang explaination niya.

Habang nasa byahe ay agad kong naisip ang mga sasabihin at itatanong kay, Clark. Gusto kong malaman ang tungkol sa story na ginawa niya, based on a true story ba 'yon?

Paano kung sabihin niyang hindi?
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano.

Ewan! Gulong gulo ako, at ang tanging sulosyon lang nito ay ang katotohanang sasabihin ni, Clark.

Katotohanan... handa ka na bang paniwalaan siya Lian? Ewan ko!

"Salamat po manong," huminga ako ng malalim at tinatagan ang sarili bago bumaba sa taxi. Sa Starbucks kami magkikita ni, Clark at wala na akong pake kung bakit dito.

Dahil agaw pansin siya masyado kahit naka-sout lang ng hoodie agad ko siyang nakitang naka-upo sa isa sa mga bakanteng lamesa malapit sa sulok. Agad niyang sinalubong ang titig ko nang makita akong pumasok, pakiramdam ko ay ang bigat ng bawat hakbang ko habang papalapit ako sa kaniya, I cleared my throat to calm myself before pulling the chair in front of him.

Hindi ko alam paano sisimulan ang tanong kaya naging awkward ang katahimikang namagitan sa'min. Nakatitig lang siya sa'kin habang ako ay halos hindi masalubong ang mga tingin niya.

Binasag niya ang katahimikan nang magtanong siya kung anong gusto kong kainin. Bigla ko tuloy naalalang hindi nga pala ako kumain ng dinner bago umalis.

"Ahm, blueberry chescake na lang sa'kin." Sagot ko sa tanong niya.

"Saglit lang, naghapunan ka ba?" Umangat ang tingin ko sa kaniya nang magtanong siya. Hindi ko alam kung tatango o iiling ba ako. Sa pinili ko na lang ang huli.

"Lipat tayo sa restaurant? You need to have a proper meal." Aniya sa'kin na agad ko namang inilingan.

"Hindi na kailangan, ayos na ako sa cake."

"Pero--"

"Clark," natigilan siya nang matigas kong banggitin ang pangalan niya. Wala siyang nagawa kun'di ang tumayo at lumakad papunta sa counter. Habang nag-o-order siya ay inisip ko na ang mga itatanong, nanginginig ang mga kamay ko kaya kailangan ko iyong likotin.

Nang makabalik siya dala ang tray ng order namin ay hindi ko alam kung maiinis ba ako o ano. Tatlong slice ba naman ng buleberry cheesecake ang binili! Alam kong akin lahat 'yon dahil nakita ko ang set ng order niya na nilapit niya sa mesa niya.

"Let's eat first," mabuti na lang at pinapangunahan ni, Clark ang mga gagawin dahil hindi ko talaga alam ano ang ikikilos.

Paunti-unti ang bawat subo ko ng cake, bigla akong na-contious sa bawat subo ko, hindi naman ako ganito rati.

"Kumain ka ng marami," aniya sa'kin kaya medyo nilakihan ko ang bawat subo.

Ayaw kong padaliin ang oras ng pagkain, ngunit ayaw ko ring agad itong matapos. Alam ko kasi ano ang mangyayari nito pagkatapos.

My Ex Is Back!  (Love Academy Series 01)Where stories live. Discover now