SPECIAL CHAPTER

683 29 0
                                    

SPECIAL CHAPTER |Contentment|

~Lish Anya "Lian" Guia~

My hands are cold and sweating, matapang at buo ang loob ko nang pumunta ako rito sa Canada pero ngayon ay naduduwag ako. This is it!

I will finally meet Shun's mother personally. Pakiramdam ko ay lilipad na ang puso ko sa lakas ng tahip nito, I sighed heavily. Wala pa man ay ganito na ang kaba ko, paano pa kaya kapag naka-harap ko na siya mismo?

I already rehearsed what I'm going to say to his mother, pero ewan ko lang kung masabi ko 'yon ng buo mamaya.

"Promise po magpapakabait na talaga ako, kaya sana po ay pagbigyan niyo po ako kahit ngayon lang." I said while praying.

I sighed and stood up, naka-bihis na ako, ayos na rin ang higaan ko, malinis na ang kwarto ko at wala na akong ibang gagawin. Sa kaba ko ay nagawa ko na lahat ng mga dapat kong gawin pero heto pa rin ako, maaga nakapag-ayos sa sarili kahit na matagal pa naman ang oras.

Inilibot ko ang paningin sa hindi nakasanayang kwarto, nami-miss ko ang kwarto ko sa Pinas kahit na mas malaki ang kwarto ko rito sa bahay nila Shun. Mixed white and grey ang interior ng paligid, ang bathroom ay 'di hamak na mas malaki kesa sa bathroom ko sa kwarto ng bahay namin. Pareho lang din ang kulay na makikita roon, meron itong bathtub at shower, dalawa rin ang sink.

Umupo ako sa Queen size bed na may puting sheets, hindi ko na ipinagtaka ang biglang pag-ring ng messenger ko.

Rona Serene is requesting for a video call. I immediately swiped it to answer. Sabi nila ay tatawag daw sila ngayon ni Mae.

"Omay gosh girl!! Miss na kita!" Tilhi ni, Rose ang bumungad sa'kin.

"Canada! Sana all," si Mae naman. Natatawa lang akong umiling sa kanila. Miss ko na rin ang dalawang 'to, masyado akong nasanay na kasama sila araw-araw sa nagdaang five years.

"Na-miss ko rin kayo super!" Biglang nag-init ang sulok ng mga mata ko. Nakalimotan ko ang kaba at napalitan ito ng bigat sa dibdib.

Bago umalis ng Pilipinas ay grabe ang iniyak ko, this is one of the greatest risked I made in my whole life. Ito ang unang beses sa tanang buhay ko na nalayo ako sa family ko. Noong una ay natakot akong gawin 'to, I doubted my decisions kahit na gustong-gusto ko ito. Sa huli pinili ko pa ring sumugal, I wanted to explore more about the world, gusto kong maraming matutunan.

Maybe everyone will think na masyado akong inlove kay Shun dahil sumama pa talaga ako sa kaniya sa Canada, oh well! Totoo naman eh!

Pero syempre priority ko pa rin ang study ko. Pangarap ko na mula noon pa ang Canada University, ngayon ay sobrang lapit ko na.

Hinding hindi ko rin sasayangin ang tiwala na binigay sa'kin ng parents ko, I will do my best to not dissapoint them. Susuklian ko nang bonggang-bonga ang mga ginawa nila para sa'kin.

Sobrang swerte ko lang talaga dahil kasama ko si, Shun habang tinutupad ang mga pangarap ko. I guess this is all the price of our hardships, and pain. Alam ko rin na marami pa kaming pagsubok na haharapin.

"Kamusta na kayo?" I asked the two of them, pareho naman silang nakangiti kaya I assume na ayos sila.

I'm sure naman na ayos sila, malaki ang tiwala ko sa mga taong pinag-iwanan ko sa kanilang dalawa.

My Ex Is Back!  (Love Academy Series 01)Where stories live. Discover now