CHAPTER 35

560 27 0
                                    

CHAPTER 35 |Need|

"I love you,"

"I love you more,"

"Hindi mas mahal kita!" Pakikipagtalo ko sa kaniya.

"Are we seriously going to argue with this?" I chuckled lightly as I stifle my smile, I bit my lower lip when his hand gently landed on my waist. Nang tignan ko siya sa mata ay ngumiti lang siya sa'kin.

"Saan tayo?" I asked him. After what happened during the camp mas naging maayos at mas naging malinaw ang lahat sa'min.

It's now a fight for the both us, this time sabay na kaming lalaban sa tadhanang mahirap pakiusapan.

"Saan mo gusto?"

"Wala kang plano?" Tiningala ko siya, siya itong nang-ayang lumabas tapos siya itong walang plano? Kamot-ulo naman siyang umiling kaya nginiwian ko siya. Bumaba ang tingin ko sa kamay ko nang dahan-dahan itong sakopin ng palad niya.

"Maglakad na lang tayo hanggang saan tayo mapunta." Napangiti ako sa sinabi niya, mukhang mas gusto ko ang mga unexpected na bagay kapag siya ang kasama ko.

"Sige!"

"Gusto mo ng ice cream?" Tanong niya nang makita ang ice cream vendor sa malayo. Hindi ko na siya sinagot ako na ang humila sa kaniya palapit kay manong.

"Chocolate," mas lalo akong napangiti nang maalala niya ang paborito ko.

"Galing ah!"

"Hindi ko 'yan kakalimotan, it's part of our first meet you know." Nakakaloko siyang ngumisi, ako naman ay napairap. Hindi ako naniniwalang nangyari 'yon dahil hindi ko na naaalala.

Aniya ay madungis daw ang itsura ko nang una niya akong makita habang kumakain ng ice cream. Kailan naman nangyari 'yon? Wala talaga akong maalala, pilit niyang in-i-insist 'yon, hindi ko naman sure kung totoo ba!

"Pero mas bet ko 'yung pepper spray na pinaglaruan mo." Pagpapaalala ko sa kaniya. He glared at me kaya natawa ako.

"Tama na ang asaran," natatawang ani ko.

Pagkatapos bumili ng ice cream ay nagpatuloy kami sa paglalakad sa Park. Hawak ko ang ice cream sa isang kamay, hawak naman niya ang isang libreng kamay ko.

"Nakapag-usap naman na sila, I guess magiging maayos din sila." Pinag-uusapan namin 'yung nangyari sa last day ng Camp, may konting pagtatalo kasi sina Rose at si, Prine pero ayos naman na sila. Siguro.

Sana nga maging maayos na sila. Habang pinagmamasdan ko silang dalawa noong gabing 'yon, na-realize kong hindi lang pala ako ang may mabigat na sitwasyon ang dinadala, meron pang iba na mas malala pa sa pinagdadaanan ko. Gaya ni, Rose at Mae.

"Ang hirap ng sitwasyon nila." Ani, Shun ngumuso naman ako sa kaniya.

"Kailan ka pa naging chismoso?" Pinanliitan ko siya ng mga mata. He again glared at me. "I'm serious here, its just... love really is hard and complicated. But the feeling and experience it gives is different. Urging the lovers to fight until they can."

Dahan dahan akong napatango sa sinabi niya. Tama nga naman siya, mahirap ang pag-ibig pero may something ito na nagpu-push sa dalawang nagmamahalan na lumaban kahit mahirap at nagkakasakitan na sila sometimes. Kung sa mahika may spell ang love.

Nang mapagod kakalakad ay nagpasiya kaming umupo sa bench, cloudy ang langit kaya hindi mainit.

Nanlagkit ang mga kamay ko sa ice cream, mabuti na lang at may malapit na gripo. Tumayo ako pero ayaw bitawan ni, Clark ang kamay ko kaya hinila ko na lang siya papuntang gripo.

My Ex Is Back!  (Love Academy Series 01)Where stories live. Discover now