CHAPTER 32

588 22 1
                                    

CHAPTER 32 |Camp|

Nakakahiya ang nangyaring 'yon! Pakiramdam ko ay natunaw ang puso ko nang sabihin 'yon ni ate. She's always teasing me, frustrating me sometimes but I know she loves me and she really cares for me.

Pero talagang nakakahiya! Pagkatapos sabihin ni, ate 'yon ay umalis na siya ng balcony. Tahimik kaming nagkatinginan ni, Clark at hindi ko alam kung bakit pareho kaming natawa.

O my gash! Ate just caught us almost kissing! Sana lang ay hindi ito makarating kina mommy at daddy kun'di patay talaga ako!

Birthday ko noong December 28, isang simpleng celebration lang ang nangyari, yet it's so memorable. Kompleto ang lahat ng mga taong malapit sa'kin kaya sobrang saya ko.

After the celebration of holidays of course back to normal life again. Back to school days again! Kakabalik pa lang namin sa school tinambakan na agad kami ng mga projects. Hindi man lang nagpa-lessons! Activities and projects agad!

Sabi ng mga senior namin noon ganito talaga ang nangyayari lalo na't may pinaghahandaan at hectic sa schedules.

Grabe ilang buwan na lang, ga-graduate na kami sa Highschool, parang kailan lang noong tumapak ako sa Love Academy tapos ngayon lilisanin ko na 'to. Hindi man ako nag-aral sa Love Academy mula grade seven ito naman ang pinaka the best school para sa'kin.

"Thanks," excited kong inabot ang pinapamahagi na papel ni, Margareth. Permission slip iyon para sa Batch 2020-2021 camping!

Excited na ako! Three days iyon at sa ibang town kami mag-ca-camp! Sa Joy Ride forest iyon at perfect talaga ang place for camping site. Hindi pa ako nakapunta roon pero anila ay maganda raw doon, marami silang mga adventure rides and etc.

"Basta sa iisang tent tayo ah!" Si, Rose na excited na rin. I can now imagine a three days with my bestfriends, sabay kaming kakain, matutulog, at gagawa ng mga exciting activities!

"Oo naman! Uy tulongan niyo akong papirmahan 'to kay kuya Mike ah! Alam niyo naman 'yon." Nakangiwing ani, Mae.

"Akong bahala malakas ako kay, Kuya Mike." Kinindatan ko pa ang kaibigan.

"Sasama naman siguro si, kuya Mike diba?" Tanong ni, Rose.

"Ewan ko roon! Broken hearted 'yon kaya 'di ko alam." Kibit balikat na ani, Mae.

"Mag-grocery kaya tayo para marami tayong pagkaing madala?" Rose suggested

"Agree ako d'yan!" More pagkain more life for me!

"Ako rin," kumunot ang noo ko nang makita ang kakaibang ngisi ni, Mae. "Tsaka may naiisip ako."

"Ano naman 'yon?"

"Huh? W-wala," tinaas niya lang ang kilay sa'kin.

Nang maka-uwi sa bahay ay agad kong pinapirmahan kay mommy ang permission slip ko. Agad silang pumayag kaya masayang masaya ako.

Nang malapit na ang camping ay napag-pasyahan na naming mag-grocery, naiisip ko na agad ang mga gusto kong dalhin at bilhin.

Linggo ang napagpasyahan naming araw para mag-grocery, ngayon lang din kasi kami free eh. January 14- 16 ang camp namin, ika-10 na ngayon ng January kaya malapit na.

Pinasadahan ko nang tingin ang boung katawan, I'm wearing a denim 3/4 sleeve dress. It's one inch above the knee partnered with a slip-on white shoe. I applied my favorite liptint and I'm done!

Nang nagpahatid ako kay daddy nag-chat ang girls na nasa food court na raw sila ng mall.

"Thanks dad, h'wag na po kayong mag-abala sa pagsundo sa'kin later, magpapahatid na lang po ako sa driver ni, Rose." Paalam ko kay, daddy bago umalis.

My Ex Is Back!  (Love Academy Series 01)Where stories live. Discover now