CHAPTER 01

1.9K 53 0
                                    

CHAPTER 01  |Start|

~Lish Anya Guia~

Monday of June eight, I woked up early in the morning kasi malamang first day of school!

Habang ginagawa ko ang mga morning rituals ko abot-abot na ang excitement ko para sa araw na ‘to.

Back to school days means, araw-araw ko na ulit makakasama ang mga power puff girls!

Kahit na nagkikita naman kami often, kakaiba pa rin ‘yung araw-araw. I missed the girls so much! Ang hirap talaga ‘pag nasanay ka na sa presensya ng tao. . .  parang siya lang.

Anyways, the powerpuff girls I’m talking about are my bestfriends, Rose and Mae. Powerpuff girls ang tawag namin sa group namin kasi tatlo kami and lahat makukulit.

We’re so close to each other na mahirap na kaming tatlo paghiwalayin. We’re bestfriends for almost five years? Matagal-tagal na rin.

We even have a names na kami lang tatlo ang pwedeng tumawag. Gaya sa ‘kin, they call me "Lian," short for Lish Anya. Si "Rose" naman ay Rona Serene ang real name kaya, Rose. While Mae is Mara Elaisle kaya, Mae.

“Morning, My!" bati ko kay Mommy pagbaba, naabutan ko siyang nagluluto sa kusina.

“Oh, good morning Lish, upo ka na at tapos na ‘to,” aniya sabay baling sa nilulutong fried rice.

“Si, Daddy po My?” I asked habang umu-upo.

“Pababa na rin 'yon,” aniya. And speaking of Daddy, here he is. . .  pababa na ng kusina.

“Morning, Dy!” salubong ko. Akma niya ‘kong hahalikan sa pisngi pero tinigil niya. “Ops, mommy first,” aniya at hindi tinuloy ang paghalik sa pisngi ko. Imbes ay pinuntahan niya si Mommy at niyakap mula sa likod sabay halik sa pisngi nito. “Morning mahal,” ani Daddy.

Ngumuso ako, ang corny ni Daddy. Sumagot naman si Mommy sa kanya, dalawa na silang corny.

“Lish, ‘yung nguso mo humahaba,” puna sa ‘kin ni Daddy bago ako hinalikan sa pisngi. Natatawa naman akong umirap.

“Nilalanggam na po kasi ang paa ko,” I sarcastically said.

“Good morning people!” ‘To na ang pinakamaingay kong kamag-anak.

“Hype na hype?” sita ko kay Ate Lindra.

“Aw, good morning dear sister!” aniya at hinalikan ang pisngi ko. Napailing na lang ako, kung umasta kasi siya tila siya ang bunso. Isip bata masyado.

Our family breakfast went well, as usual hindi mawawala ang payong magulang sa hapag. Excited din sila para sa ‘kin dahil konting push na lang, graduate na ‘ko sa high shool. Grade Twelve student na ‘ko ngayon.

“Ayos lang mag-boyfriend but know your limitations,” paalala ni Daddy na kailanman ay hindi nawala. Well, hindi niya naman kailangann ipaalala ‘yan. Because the last time I checked, parehas kaming single ng ate ko. Anyways, one thing I love about my parents is they are both open minded, hindi sila strikto sa ‘min ni Ate.

“Hmm, ikaw Lish? Kailan ka magdadala ng boyfriend. . . ulit?” Sinamaan ko ng tingin si Ate sa tanong niya. ‘Yang mga pabitin-bitin niyang salita alam ko na ‘yan!

“Lindra, tigilan mo ang kapatid mo,” sita ni Mommy. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain.

“Move on move on din sis! Enjoy your high school lalo na’t last year mo na lang ngayon. Masyado kang nagpapakalunod sa lalaking ‘yon.” Hindi ko na kinaya ang mga sinasabi ni Ate. Padabog akong tumayo at nag-walk out sa hapag-kainan.

I heard Mommy called me pero ‘di na ako lumingon at nagpatuloy na lang sa pag-akyat sa kwarto ko. Nang makapasok ay agad akong sumandal sa likod ng pintuan at mariing pumikit.

I know what I did was rude, pero naiinis ako sa t’wing sinasabi nilang mag-move on na ‘ko. ‘Yung pinapamukha na sa ‘kin na kailangan ko na talagang mag move on.

Move on! Napakadali lang nilang sabihin ‘yon pero ang hirap, hirap, hirap, hirap, hirap, hirap gawin!

I tried to move on! Sinubukan ko naman, ah? Kaya hindi na nila kailangan sabihin dahil ginagawa ko na ‘yon. Pero dang, ang hirap, eh!

Sila kaya ilagay ko sa posisyon ko, tingnan natin kung madali!

Okay! Enough drama for this morning. I fixed myself at nag-toothbrush na lang. Mayamaya ay narinig ko na ang katok ni Daddy sa room ko.

Ihahatid niya ‘ko sa school bago siya pumasok sa work niya.

Tahimik lang si Daddy kaya gano’n din ang ginawa ko, pagbaba ay si Mommy na lang ang sumalubong sa ‘min. Wala na si Ate Lindra.

“Ingat kayo,” aniya kay Daddy bago humarap sa ‘kin. She hold my arms and gently squeeze it, seryoso niya rin akong tiningnan sa mata. “Pagpasensyahan mo na ang ate mo, she’s just concern of you.”

Tumango ako sa sinabi ni Mommy, “I know My, and I’m sorry sa inasta ko kanina.” Umiling lang si Mommy sa ‘kin bago ako niyakap. A warm hug enough to make me feel okay.

The drive to school was smooth, I bid my goodbye to dad and vis a vis.

Nakangiti na ‘ko habang papasok sa main building ng school. Dadaan ka sa hallway ng main building, paglabas sa hallway ng main building ay sasalubong sa ‘yo ang malawak na fields at nag lalakihang buildings which are the classrooms.

But since it’s first day, kailangan ko munang dumaan sa registrar office para kunin ang sched ko for this school year. ‘Yan ang patakaran ng Louise Vellomina Academy or Love Academy.

I know Rose pulled some strings kaya malamang ay classmates na naman kaming tatlo nina Mae.

Pagliko ko sa hallway kung nasaan ang registrar office ay marami na agad students na nakapila. By year level ang pila, nasa dulo ang pila ng Grade 12 students kaya ‘yon ang tinungo ko.

Sumali na ako sa pila habang palinga-linga sa unahan at likod ko, hinahanap ko sina Mae at Rose pero mukhang wala sila sa paligid.

“Pangalan?” tanong sa ‘kin ng staff. Salamin ang pagitan namin.

“Lish Anya Guia,” sagot ko.

Saglit itong nag-type sa computer bago ibinigay sa ‘kin ang papel kung saan nakasulat ang room number, section, schedules, at mga names ng magiging lecturers ko.

“Lian!” Nagulat na lang ako nang may yumakap sa ‘kin mula sa gilid, si Mae. Nakangiti ko siyang hinarap at niyakap pabalik, sa likod niya ay si Rose na mukhang may tinitingnan sa malayo.

“Classmates tayo?” nakangising tanong niya.

“Obvious ba?” sarkastikong sabi ko, sabay pa kaming tumingin kay Rose
na siyang salarin.

“Forever nga tayo ‘di ba!” ani Rose at niyakap na rin ako.

“Tse! Walang forever.” Ngumisi na lang ako nang mapait sa kabitteran ni Mae.

May forever nga ba?

“Pangalan?” Tanong ng school staff.

“Shun Clark Tuazon”

____________________________

Yanna Hearts
Comment/Vote/Follow :L♥️

For more updates!

Follow me on Facebook:
Yanna Yan Yan Hearts

Like My Page:
Yanna Hearts WP -Ayanna_lhi

Follow Me on Twitterer and IG:
@Ayanna_lhi

My Ex Is Back!  (Love Academy Series 01)Where stories live. Discover now