CHAPTER 14

796 38 3
                                    

CHAPTER 14 |Talk|

“Sure ka bang tiyan ‘yung problema mo d’yan?” tanong sa ‘kin ni Mae habang bumibili ng gatas.

Tumango ako sa kanila ni Rose. Paulit-ulit ang tanong nila sa ‘kin simula pa kanina sa comfort room, somehow it comforted me. Lagi silang dalawa nand’yan para iparamdam na may karamay ako. Hindi man nila alam ang tunay kong problema, malaki pa rin ang tulong nila sa ‘kin. Sila ang tumulong sa ‘kin na agad maka-adjust sa Love Academy.

Pagkatapos kong mag-ayos kanina ay dumeritso kami sa cafeteria para bumili ng gatas. Maaga pa kaya may oras pa kami, pinagsisisihan ko talagang maaga akong pumasok ngayon!

“Oo nga! Tiyan lang, gatas lang ayos na ‘ko,” sabi ko sabay agaw ng karton ng gatas kay Mae.

Nagkatinginan ulit sila ni Rose na tila ba nag-uusap gamit ang isip. Pakiramdam ko ay ayaw nilang maniwala kaya ginalingan ko pa ang pag-acting na ayos lang ako, kahit ang totoo hindi naman talaga.

I always felt this emptiness inside of me since then. Lalo na ‘pag naaalala ko siya, kapag napapanaginipin ko siya. Pakiramdam ko ay bumabalik ang lahat, pati ang sakit ay bumabalik.

Pinilit ko naman ang sariling mag-move on pero ayaw talaga, eh! Lugmok pa rin ako sa nakaraan ko.

Hay naku! Resulta nang maagang nakipagrelasyon. Pakiramdam ko ang bata kong puso ay nagkaroon ng sugat o ‘di kaya ay peklat na mahirap paghilumin, what happened years ago gave a big bruise to my heart. Ngayon ay nahihirapan na ‘kong magmahal ulit, takot na ‘kong masaktan.

Suitors flocked when they found out about me and Shun’s break up. Pero wala akong in-intertain kahit isa. Ako rin ang pinaka dahilan kung bakit kami lumipat sa Manila, para tulongan nila akong makalimutan si Shun.

New surrounding, new life, new school, pero wala pa rin, eh! Nandito pa rin siya sa sestima ko. Mas lalo lang lumala ngayon nandito na rin siya sa Love Academy.

Awkward akong naupo sa respected seat ko, sa tabi ni Shun. Nararamdaman ko ang titig niya sa ‘kin pero hindi ko siya tiningnan. Hindi ko kayang salubongin ang mga mata niya.

May lumipad na papel sa disk ko kaya
agad kong iyong pinulot. Nang tingnan ko ang upuan nina Mae at Rose ay si Mae ang sumenyas. Siya ang nagbato ng papel. Saglit kong tiningnan si Clark sa tabi ko pero agad ko ring iniwas nang masalubong ko ang titig niya. Pakiramdam ko ay may tumalon sa sestima ko.

Tusokin mo mata niyang katabi mo!

Aniya sa papel, agad naman akong nagsulat ng reply.

Nino?

Tanong ko kahit alam ko naman talaga kung sino, ang isang transfery na seatmate ko ay palagi lang nakadukdok sa lamesa niya, palaging tulog at walang pake. Kaya sino pa ba?

Ipinasa ko kay Mae ang papel niya.

Si Clark! Wagas makatitig bhe!

Sulat niya nang ibalik ang papel sa ‘kin. Ngumisi ako at nagsulat ng reply.

Gusto mo ikaw na lang ang tumusok? May gunting, ruler, lapis, at ballpen ako rito. Pili lang : )

Humarap ako kay Mae at nakangising ibinalik ang papel sa kanya.

“Pst!” tawag niya sa ‘kin matapos makapagsulat sa papel. Pagbato niya ng papel ay sakto namang pagpasok ng adviser namin. Tumayo kaming lahat para batiin si Ms. Dimañaga ng magandang umaga.

Sa sahig napunta ang ibinatong papel ni Mae. Hindi ko makita kung saan napadpad, hindi ko rin mayuko dahil may adviser na nasa harap. Bahala na nga ‘yon.

My Ex Is Back!  (Love Academy Series 01)Where stories live. Discover now