CHAPTER 36

553 21 0
                                    

CHAPTER 36 |Side|

~Shun Clark Tuazon~

Chinky almond eyes, small pointed nose, thin pinkish lips, a cute face with a perfect set of teeth, kaso lang ay may isang nawawala.

Nakangiti, kumakain ng chocolate ice cream, madungis, uhogin. It's still fresh on my mind how did I first saw her. Paano ko nakita sa unang pagkakataon ang batang nagngangalang Lish Anya.

I bit my lower lip to stifle my laugh, ngayon lang ako natawa sa ganiyang itsura. The girl is sitting in front of the store while holding an ice cream. Bibong-bibo pa siya sa pakikipag-usap sa tindera ng tindahan.

"Ninang sabi sa inyo masarap ang chocolate na ice cream! Gusto mo!" Inabot niya pa pabalik sa tindera ang ice cream na dinilaan na niya.

"Ewan ko sayo Lish, ang cute mong bata ka! Nasaan na ba ang nanay mo at ipapa-kidnap kita!"

"Ano po 'yung kidnap?" She then pouted then stop to think. "Ah 'yun ba 'yung napapanood ko sa TV! 'Yung kinukuha 'yung mga bata tapos may magliligtas na lalaking pogi? Gusto ko pong makidnap kung ganu'n!"

Tuloyan na akong natawa sa kaniya, ilang taon na ba 'to? Sa tingin ko magka-edad lang kami. Tinuloy ko ang paglalakad, napadaan lang talaga ako sa tindahang 'yon dahil gusto kong tignan ang lugar. Bagong lipat kasi kami, kasama kong lumipat ang kuya Craige ko.

"Sa Lunes Clark dito ka na papasok sa school nila ah. Nilakad ko na ang mga papers mo, puwede ka nang pumasok sa school." Sa mura kong edad hindi ko maintindihan ang lahat, kung bakit kami lumipat ni, Kuya. Ayos lang naman sa dating tinitirhan namin ah?

Ang naiintindihan ko lang ay ang dahilan kung bakit kaming dalawa lang, kung bakit hindi kami buo. My father died a year ago, si mama naman nag-abroad pero hindi pa kami kino-contact. Na mi-miss ko na si, mama pero hindi ko alam saan siya hahanapin. Kung alam ko lang kung nasaan siya hahanapin ko talaga siya.

Wala akong pake habang naglalakad sa hallway ng bago kong school. Iniwasan kong tignan ang mga istudyanteng nakakasabay ko na may kasamang mga magulang, si kuya Craige ang naghatid sa'kin pero hanggang gate lang. Ang mga maswerteng batang ito, kasama ang mga magulang nila hanggang sa makarating sa room.

"Behave always Lish ok? This is the last time na ihahatid kita sa school para naman masanay ka ng mag-isa."

"But mommy sino naman ang maghahatid sa'kin next time? Si daddy or si ate Lindra?"

"Wala na Lish, you will do things on your own." Doon lang ako napalingon, pamilyar ang boses ng babae sa'kin at tama nga akong siya 'yung nasa tindahan.

Napansin siguro ng mama niya ang tingin ko kaya tiningnan niya rin ako. Agad naman akong nag-iwas ng tingin, I don't want to reflect on my eyes the envy of not having a momma on my side right now.

"Oh, ikaw 'yung anak ng bagong lipat diba?" Her mother asked me with a genuine smile, mabait at palakaibigan ang ngiti ng ginang sa'kin.

Saglit kong tinignan ang kasama niyang bata na curious din ang tingin sa'kin.

"Hindi ko po-"

"Mommy wala naman pong anak si, Kuya Craige, sabi niya nag-aaral pa raw siya. Pwede bang mag-aral ang may anak na?" Napa-awang ang labi ko sa sagot at tanong niya.

My Ex Is Back!  (Love Academy Series 01)Where stories live. Discover now