CHAPTER 31

609 27 0
                                    

CHAPTER 31 |Balcony|


"Three, two, one! Merry christmas!"
Masaya kong sigaw nang sumaktong alas dose ng gabi. Natatawa namang umiling sina, mommy at daddy sa'kin.

Pansin ko rin ang pagka-hype ko sa gabing ito, pakiramdam ko kasi ito na ang pinakamasayang pasko ko. I know it is my hearts peacefulness that made me extra happy for this holiday.

Itinaas ni daddy ang wine glass na may lamang champagne kaya gumaya rin kaming lahat. I'm on my legal age na kaya pwede nang uminom.

"Cheers for a merry christmas!" We cheered our glasses for a merry christmas.

"Cheers,"

"Cheers for our business success." Si, ate Lindra. Natuwa si, daddy sa sinabi niya kaya tinapik nito ang likod ni, ate.

"Cheers for the both of you," napatingin ako kay mommy na nakangiti na rin kaming pinag
-mamasdan. "Sana ay maka-graduate kayo nang matiwasay." Napangiti ako at napatingin sa katabi kong si, Clark.

Noong bumisita siya rito ay nabanggit ko kay, mommy na si Clark lang mag-isa sa condo niya ang tumitira, kaya in-invite siya ni mommy na rito na mag pasko sa'min. Gladly he accepted the invitation.

Si kuya Craige ay nasa province namin nag-e-stay dahil nandoon ang trabaho niya. Nalaman ko rin mula kay Clark na hindi raw in good terms si, kuya Craige at ng mama nila. Dalawang beses lang daw itong bumisita sa Canada sa limang taon na lumipas.

"Salamat po tita, masaya po akong dito ako nagcelebrate ng christmas. I thought I'll be alone celebrating it." Pakiramdam ko ay natunaw ang puso ko sa sinabi niya, na-miss niya siguro ang pasko sa Pinas? Kawawa naman siya kung mag-isa lang siya sa condo niya.

"Masaya siya kasi kasama niya si, Lish ayeih!"

"Lindra?"

"Ate!"

Sabay pa naming suway sa kaniya ni mommy, ang impakta kong kapatid ay ngumisi lang naman. Nahihiya ko namang pinasadahan ng tingin si, Clark na napapailing na lang din.

"You're very welcome here ijo, sa katunayan nga masaya kami na kasama ka namin ngayon."

Pagkatapos ng notche buena ay nagpasiya nang umakyat sila mommy at daddy para matulog. Kami naman nila ate Lindra at Shun ay sa sala pumwesto.

Si, ate Lindra ay mag-isang nakahiga sa couch na nasa gilid habang nanonood ng movie. Wala kaming planong matulog ngayon.

Magkatabi kami ni, Clark sa sofa. Stiff lang siya habang pinapanood akong makipag-chat sa mga kaibigan ko. Minsan nga ay natatawa ako, dati pa man na seryuso na masyado si, Shun. Sa kaseryusohan niya titignan mo pa lang aakalain mong masungit, na medyo totoo naman. Hindi ko lang akalain na sa paglipas ng taon mas lalo pang seseryuso ang aura niya.

Siya 'yung tipo ng tao na kahit siguro magpatawa ka sa harap niya hindi siya tatawa.

"Inaantok ka na?" I asked him while scrolling on my feed, nasa lap ko nakapatong ang Mcbook.

"Hindi pa," tipid na aniya.

Parang hindi pa rin ako sanay sa presensya niya, five years ago ganito naman kami ka close. Pero masyado siguro akong nasanay na wala siya kaya hindi ako makapaniwala ngayon na katabi ko siya, kasama ulit sa mga ganitong holidays.

Just like before.

"Sure ka? I'll guide you to the guest room kung gusto mo nang matulog. Sabihin mo lang."

"Walang tulogan diba?" Tinaasan niya ako ng kilay.

Kanina kasi ay nagpustahan kami ni, ate Lindra. Ang unang matutulog kailangang manlibre ng kahit anong hilingin sa isang araw. Parang can't say no challenge.

My Ex Is Back!  (Love Academy Series 01)Where stories live. Discover now