CHAPTER 13

777 40 4
                                    

CHAPTER 13 |Break|

Umiiyak ako habang tumatakbo, wala na ‘kong pake saan man ako mapunta. Basta, sigurado akong hindi ako uuwi sa bahay.

Masakit. Thousands of thoughts are now running on my mind mula sa narinig ko. Maraming tanong ang agad na nabuo sa utak ko.

Masakit. Dahil isa ang sigurado ako, Shun Clark is cheating on me.

Hindi ko alam kung sino si Brianna pero sigurado akong niloloko ako ni Shun!

Kaya ba siya nagbago bigla? Kaya ba tila nawawalan na siya ng oras sa ‘kin? Dahil may iba siya?

Ang sakit! Sa sakit pakiramdam ko ay mababasag ang puso ko.

“Anya!” Mas binilisan ko pa ang pagtakbo nang marinig ang boses ni Shun na tinatawag ang pangalan ko. Nanlalabo na ang mga mata ko, gusto ko nang tumigil sa pagtakbo, maupo, at umiyak na lang. Kaso ayokong harapin si Shun ayoko siyang kausapin.

I’ve never been hurt this way before, sa pamilya ko, sa kaibigan, hindi pa. Ngayon lang! At sa totoo lang? Nakakabaliw ang sakit.

“Anya!” Napatigil ako sa pagtakbo nang maabotan ako ni Shun. Hinila niya ang braso ko kaya natigilan ako. Galit at awa ang nakikita ko sa mga mata niya, nangungusap ito sa ‘kin na harapin siya.

Pinilit kong kumawala pero mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa ‘kin. He held my arms and pulled me to him, pinilit niya ‘kong yakapin habang pilit akong kumakawala sa kanya.

”Bitiwan mo ‘ko Shun! Bitiwan mo ‘ko!” galit at matigas kong ani. Pilit ko siyang tinulak pero pilit niya rin akong dinidiin sa kanya. “Sabing bitiw!” frustrated ko nang sigaw, ang sariling boses ay halos hindi ko na makilala dahil sa galit.

Hindi niya pa rin ako binibitiwan kahit anong pilit kong pakiusap. Wala akong nagawa kun’di ang saktan siya ng pisikal. I tried to punch him pero hindi ako sigurado kung masakit ba ‘yon dahil nanghihina na rin ako.

“Anya please,” pakiusap niya sa nanginginig na boses. Umiling ako at pilit siyang tinulak. This time ay nagtagumpay na ‘ko, siguro ay nanghihina na rin siya. Kita ko ang lungkot at luha sa mga mata niya pero binalewala ko ‘yon.

“Aalis ka ng C-canada?” Puno ng hinanakit ang boses ko. Ang mga luha ko ay hindi na nagpapigil, nasasaktan ako sa sarili kong tanong.

“Anya, makinig ka muna.” Sinubukan niyang hawakan ang braso ko pero umtras ako at tinaboy ang kamay niya. Nang hindi niya nahuli ang braso ko ay frustrated siyang napahilamos sa sarili.

“Oo, o hindi ang sagot Shun!” galit kong sigaw sa kanya. Kasabay nang malalim niyang buntonghininga ay ang pagtulo ng luha niya.

Nang dahan-dahan siyang tumango sa ‘kin ay nagsisi lang ako kung bakit ko pa tinanong ‘yon.

Tumingala ako upang pigilan ang pagluha kahit na wala namang silbi ‘yon, kailangan ko rin iyon upang makahinga. Sa sobrang sakit ng dibdib ko hindi na ako makahinga nang maayos.

”Sinungaling ka.” Tumulo ang luha ko pagkasabi ko no’n. Kahit nahihirapang magsalita ay pinilit kong may sabihin. “Ang sabi mo, hindi mo ‘ko iiwan. Pero ano ‘to ngayon Shun? Sinungaling ka.”

“Anya hindi. . .” Umiling siya sa ‘kin, ang boses niya ay puno nang pangungusap.

Umiling din ako sa kanya, “Anong hindi Shun? Narinig ko kay Kuya Craige mismo! I’m so disappointed of you, you’re the least person I thought to hurt me this way, but you prove me wrong Shun!”

“Anya, pakinggan mo ‘ko please? Hear my explanation please?” Sinubukan niyang lumapit sa ‘kin pero umtras ako.

“Hindi ko kailangan nang explaination Shun. Kung aalis ka, edi umalis ka! Puntahan mo ang babaeng mahal mo pa! Ang sakit lang kasi ginawa mo ‘kong tanga!” Nakita ko ang gulat sa mukha niya nang sinabi ko ‘yon.

“Ano?" Kunot-noong aniya.

“Brianna, tama? Ano mo siya Shun? Ex or new? Hindi ko alam na may ex ka pala! Kung mahal mo pa siya sana sinabi mo! Hindi naman ako disperada! At kung bago mo siya? Wala akong masasabi sa ‘yo, I better shut my mouth dahil ayokong magkasala sa mga sasabihin ko.”

Lumayo ako sa kanya at handa nang umalis pero pinigilan niya ulit ako. Padabog kong binawi ang braso kong hinuli niya, may isang bagay pa pala akong nakalimutang sabihin.

“It will end this way Shun. Huwag mo ‘kong pupuntahan, h’wag mo ‘kong susundan, maghiwalay na tayo.”

That day, hindi lang relasyon namin ni Shun ang nagtapos. Pati na rin ang pagkakaibigan naming taon na ang binilang. I’m so hurt and devastated, agad na nalaman nila Mommy ang break up namin ni Shun. They are all there for me, pero hindi pa rin sapat. Gabi-gabi akong mag-isang umiiyak sa kwarto ko, tanging kumot at unan lang ang nakaka-alam.

Dahil fiesta sa bayan namin noon ay isang Linggo kaming walang pasok, isang malaking tulong para hindi ko makita si Shun.

Tatlong araw akong halos hindi kumain at panay lang ang iyak, ang tanga-tanga ko! Gusto kong bumangon at tigilan ang pagpapakatanga pero hindi ko magawa-gawa. Nagagalit na rin ako sa sarili ko dahil nagpapakalugmok ako. Gusto kong umahon pero hindi ko pa kaya.

Hindi ko alam kung bakit parang ang bilis ng panahon. Okay naman kami lasy month, ah? Paano nagkaganito? Bakit napunta sa ganito?

It’s exactly the fifth day of our break up nang malaman kong umalis na nga si Clark papuntang Canada.

Alam kong sinabi kong h’wag niya ‘kong hahabolin, h’wag niya ‘kong susundan. Pero masakit sa ‘kin na tinotoo niya nga ‘yon. He never attempted to come to our house to explain his side and to say sorry.

Mas lalo lang akong nasaktan dahil umasa akong matapos kong makapaghiwalay sa kanya ay gagawa siya nang paraan para magkausap kami. Pero umasa ako sa wala.

The rainbows turned grey, my life end it’s euphoria. The moment he let go of my hand, he also let go everything we have.

Mas tanga ako nang umasa akong may iiwan siyang sulat o ano, pumunta pa talaga ako kay Kuya Craige para kung sakaling meron man. Pero mas lalo lang akong nilugmok nang ang ibigay sa ‘kin ni Kuya Craige ay ang bracelet niya. Ang isang bahagi ng couple bracelet naming dalawa.

Isang bagay lang ang ibig-sabihin no’n, tuloyan na niyang lilimutin kung ano’ng meron kami.

Shun Clark Tuazon, my ex. Left me without saying goodbye and sorry.








Nanginginig ang mga kamay ko habang hinahawakan ang labi ko upang hindi ito makagawa ng ingay. Kanina pa ’ko nakakulong sa loob ng cubicle habang patuloy na umiiyak.

How could he! How could he say that after hurting me so bad! Kung magsalita siya ay tila napakadali lang ng lahat!

“Lian!” Dali-dali kong pinunasan ang luha nang marinig ang boses ni Mae.

“Are you sure she’s already here?” Rose asked.

“Sure ako, nakita ko ang hikaw niya sa upuan niya.”

“Lian,” tawag ulit ni Mae. Kinalma ko muna ang sarili bago nagsalita.

“Nandito ako!” sigaw ko sa kanila. Pagbukas ko ng pinto ay kita ko ang gulat sa mukha nila nang makita ang namumula at namumugtong mga mata ko.

“Ano’ng nangyari?” nag-aalalang ani Rose.

“Ano. . .  masakit kasi tiyan ko. Iniyak ko na lang.” Tumawa ako pagkatapos.

Nagkatinginan sina Mae at Rose, hindi ko alam kung binibili ba nila ang rason ko.

“Talaga?” May pagdududang ani Mae.

“Oo nga, naka-inom na ‘ko ng gamot kaya ayos lang ako.”

Ayos lang ako. . .  kailan ba ‘ko magiging maayos?

_____________________________

Yanna Hearts
Comment/Vote/Follow :L♥️

For more updates!

Follow me on Facebook:
Yanna Yan Yan Hearts

Like My Page:
Yanna Hearts WP -Ayanna_lhi

Follow Me on Twitter:
@Ayanna_lhi

My Ex Is Back!  (Love Academy Series 01)Where stories live. Discover now