CHAPTER 38

529 23 0
                                    

CHAPTER 38 |Selfish|

"Lian!" Malakas ang pagtawag na 'yon kaya agad akong napalingon. Ganu'n na lang ang gulat ko nang makita si, Anya! Bahagya akong nataranta at saglit na natuliro nang makita siya. Planado ko na ang mga gagawin pero ngayong abot kamay ko na lang siya ay gusto ko na lang tumakbo at yakapin siya.

Natauhan lang ako nang magsalita ang babae sa counter, kailangan kasi naming pumila sa registrar office para kunin ang schedule at I.D ko. Hindi ko inaasahan na ganito ko siya kaaga makikita, akala ko ay mahihirapan akong hanapin siya sa malaking school na 'to.

"Shun Clark Tuazon," pagkatapos mabigay ang mga dapat ibigay ay agad na akong sumibat. Malinaw sa'kin ang plano ko at hindi makakatulong na ganito na siya kaagad kalapit sa'kin sa gitna ng mga nagsisiksikang tao.

Kita mo nga naman ang pagkakataon, naging kaklase ko siya.

“One school year Clark, kung wala kang mapala babalik ka rito.” Seryuso si mama nang bantaan niya ako niyan kaya naman tinatak ko 'yan sa isip ko.

One school year, I have a one school year to get you back Anya. Gaya ng sinabi ko plinano ko na ang lahat ng gagawin, sa plano ko inisip ko na magiging madali lang ang lahat, gipit ako sa oras kung magiging mahirap kaya kahit magpaka-despirado ako makuha ko lang siya gagawin ko.

Pagtapat ko pa lang sa pintuan ng room namin, ang tumatawang mukha agad niya ang una kong nakita. Nang magtama ang mga mata namin pakiramdam ko tuloyan na akong nabaliw.

Labis ang pangungulila ko sa kaniya, ngayong tinititigan niya ako walang nagbago, o kung meron man mas lalo lang tumindi ang pangungulila ko sa kaniya.

I almost smirk when I saw her jaw drop when she saw me, nanlalaki ang mga mata niya na animoy nakakita ng multo. I maintain my cool and started to walk silently, pinili ko ang sa likod niya umupo. I saw how stiff she is, tahimik at tulala. Lalo na noong pinatayo kami para ilipat kami ng mga upuan.

Sa pagkakatulala niya hindi niya napansin na nasa likod na niya ako. I want to hug her so tight, dang I miss her so bad! Ang pabango niyang nano-nuot sa ilong ko ang dahilan kaya hindi ko na napigilan ang sarili. I want to touch her kaya naman sinadya kong bagain ang braso niya ng braso ko.

"Ang tahimik talaga ni, Clark." Napatigil ako sa pagpapadyak sa pedal nang makita ko ang tatlo, si Anya at ang dalawa niyang kaibigan na nakita kong kasama niya sa pictures.

Masaya ako na nakahanap siya ng ibang kaibigan, I'm really happy for here.

Sinadya kong tumahimik at h'wag munang pansinin si, Anya dahil alam kong nagugulat pa siya sa'kin. I'll gave her time to adjust, and that's part of my plan.

Pati sa parking lot ay nasundan ko sila. "Tell me, siya na ba ang bagong crush mo?" Tanong ng kaibigan niya sa kaniya, ang tinutukoy nito ay ako.

Agad naman siyang tumawa na para bang isang napakalaking kahibangan ang sinabi ng kaibigan niya.

"Paano naman ako magka-ka-crush sa, Clark na 'yan, eh bukod sa hindi ko 'yan kilala, tignan mo nga 'yung mukha? Itsura pa lang manloloko na, nakakatakot pa dahil ang cold cold ng aura, mahirap na magtiwala sa mga taong masyadong tahimik ngayon no? Alam mo, sila kasi 'yung maraming tinatago. Tsaka pupusta ako inosente lang ang itsura niyan nasa loob ang kulo. Tsaka--" Bayolente akong napasinghap, e-back-stab ba naman ako sa harap ng mga kaibigan niya?

"Anya," wala sa plano pero pagkakataon ang nagtulak sa'kin nang mapag-isa kami sa room. "Anya, enough with this playing dumb, let's stop pretending as if nothing." Mahalaga ang oras at walang silbi kung magpapaligoy-ligoy ako. 'Yon ang inisip ko ng mga panahon na 'yon.

My Ex Is Back!  (Love Academy Series 01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon