CHAPTER 39

526 21 0
                                    

CHAPTER 39 |Future|

"Anya," I called my lovely girlfriend who's sitting on my units couch wearing my own shirts. Ang sarap sa mata tignan siya ng gan'yan.

"S-shun," natatarantang tawag niya sa'kin bumaba ang tingin ko sa kaharap niyang laptop kaya nagmamadali akong bumaba.

"Bakit?" Tanong ko papalapit sa kaniya, nang tuloyan na akong makalapit ay hinapit ko ang bewang niya at tinignan ang screen ng laptop ko. I smelled my own shampoo on her.

Nagulat ako ng si mama ang bumungad sa'kin. Nagugulat na nagpalipat-lipat ang tingin ko kay mama at Anya.

Nagkausap ba sila?

"Mama?"

"Tumawag 'yung mama mo kaya sinagot ko na." Tipid na ngumiti sa'kin si, Anya.

"No problem,"

"Shun how are you!?" Hindi ko muna pinansin si, mama. I guided Anya to sit again, umupo naman siya katabi ko, kaharap si mama.

"So you met my mother?" Tipid siyang ngumiti at tumango sa'kin.

"Yes Shun I finally met her!" Napangiti ako nang marinig ang excitement sa boses ni mama. I'm pretty sure na magugustohan niya si, Anya.

"But let me formally introduce her to you, ma." Tumigil ako at tinignan si, Anya. Bumaba ang tingin ko sa nanginginig niyang kamay kaya 'yon ang hinawakan ko.

Kinakabahan siya sa mama ko.

"She's Lish Anya, my girlfriend."

"Your girlfriend?" Gulat na ani mama kaya tumango ako sa kaniya. "Nagkabalikan nga kayo! I'm happy for you son!"

Nang binalingan ko si, Anya ay tahimik na nakakunot ang noo niya. Bahagya kong tinaas ang kilay sa kaniya. "Is there something wrong?" Bulong ko sa kaniya.

Agad naman siyang umiling, "no nothing. Nahihiya lang ako sa mama mo." I chuckled and pinched her check, she's so cute.

"Shun kamusta na anak? Masaya akong kasama mo na si, Lish ngayon. Napakagandang bata masaya akong makilala ka ija. Sa katunayan nga nakapag usap kami konti and she's very nice Shun. Diba ija?" Pagke-kwento ni, mama.

"Ah, t-talaga? I mean opo. It's nice to finally meet you din po."

Saglit pa kaming nag-usap ni mama kasama si, Anya bago siya nagpaalam. So far she likes Anya so much, she keeps complementing Anya. Of course, that's my girl.

Saglit pa kaming nagkwentohan sa unit ko bago ako nagpasyang ihatid siya, gumagabi na rin kasi.

Habang lulan ng taxi papunta sa kanila, napangiti ako nang bumaba ang tingin ko sa braso kong hawak niya.

"Tahimik ka ngayon?" I noticed. Bumuntong hininga siya bago sumagot.

"Napagod lang sa basaan kanina, tsaka nagulat ako sa mama mo."

"Bakit ka naman magugulat kay mama?"

"Wala, it's my first time seeing her and napakapangit pa ng sitwasyon."

"Don't mind her, she's happy to see you."

"She's happy," she echoed what I said.

"Goodnight Shun, thanks for today." Tipid akong ngumiti, nasa tapat na kami ng gate nila ngayon.

"I'll call you later,"

"Wala ka ng ibang gagawin?" She asked me, pinanliitan niya pa ako ng mata.

"Bakit ikaw meron ba?" Balik tanong ko.

My Ex Is Back!  (Love Academy Series 01)Where stories live. Discover now