CHAPTER 12

795 40 3
                                    

CHAPTER 12  |Brianna|

“Lish, puntahan mo kaya jowa mo mainit ulo eh,” bulong ni Jessa sa ‘kin. Narinig siya ng ibang kaklase namin kaya nagsalita rin sila.

“Ikaw kasi Jessa, tawa kayo nang tawa,” paninisi ng isa.

“Kayo kaya sa posisyon ko? Eh, paanong hindi ako matatawa, eh tumatawa kayo?” Jessa reasoned out. I sighed at their argument.

Ang iniisip ko ay si Shun. Last week pa hindi maganda ang mood niya mas malala nga lang ngayon. Given na nainis siya kina Jessa at Mack pero ang Shun kanina, tila hindi ko kilala.

He’s cold, snob at oo masungit. Pero hindi naman gano’ng sisipain niya ang upuan. There’s something wrong with him. Inayos ko muna ang mga kurtinang ginamit bago nagpasiyang sundan si Shun. Mabuti na lang at agad ko siyang nahanap sa benches sa tapat ng cafeteria. Dahil class hours konti lang ang dumadaan papuntang cafeteria.

Tahimik at seryoso lang siyang nakaupo roon. Ang isip ko ay binabagabag ng napakaraming thoughts. Alam kong may problema siya, hinihintay ko lang na sabihin niya sa ‘kin. Ayaw kong makialam at baka hindi ako makatulong. Sa ngayon ang naiisip ko lang gawin ay ang ipadama sa kanyang nandito ako.

Tahimik akong naupo sa tabi niya, saglit niya lang akong tinapunan ng tingin. Hinayaan ko munang mamagitan sa ‘min ang katahimikan kasi baka kailangan niya ‘yon. Nang ilang minuto na ang lumipas ay nagsalita na ‘ko.

“A-alam kong may problema ka Shun, nandito lang ako alam mo ’yan.” Wala akong ibang alam na sabihin kun‘di iyon lang. And I think that’s the most comforting words to say right now.

Dahan-dahan siyang humarap sa ‘kin, seryoso pa rin ang titig. “I’m sorry.” Saglit akong natigilan sa sinabi niya. Hindi ko alam kung saan siya nanghihingi ng tawad.

“Ayos lang, it’s understandable na mainis ka kanina. Ikaw ang nagsulat ng script, ikaw pa ang derictor, ang leader natin absent pa, tapos hindi nagseryoso ang cast, tumatawa pa kami.” I pouted after saying that. Shun chuckled at me, pagkatapos ay hinawakan at pinisil niya ang pisngi ko.

“Stop pouting, hindi bagay.” Umirap ako sa sinabi niya.

“Pero seryoso, kung manghihingi ka man ng sorry, siguro kina Jessa at Mack na lang. Mukhang nagulat mo sila kanina.” Though para sa ‘kin hindi naman talaga required ‘yon, dahil absent ang leader namin siya ang pumalit. And basically trabaho ng leader na e-appoint at pa-ayosin ang mga members niya.

“Still, sorry pa rin,” seryosong sabi niya sa ‘kin. Saglit namang kumunot ang noo ko. Sorry para saan?

I stared at Shun as if something is wrong. Palaging seryoso si Shun at walang pinagkaiba ang Kaseryosoham niya ngayon. Pero iba talaga ang pakiramdam ko ngayon, eh. Is it about his problem? May kinalaman ba ito sa ‘kin?

Sana wala. . .

Ano’ng problema mo Shun Clark?

“Ah, ano. . .  ang ganda ng story! Saan mo nakuha?” I asked him, pag-iiba sa topic.

“Hindi ko kinuha, ako mismo ang nagsulat,” pagtatama niya sa sinabi ko.

“I mean, ano’ng inspiration mo? Saan mo nakuha?,” pagtatama ko rin sa tanong ko. Hindi agad siya nakasagot kaya kailangan ko pang silipin ang mukha niya.

“Hmm?”

“W-wala lang, naisip ko lang na ito ang pinakamadaling e-role play, ganitong eksena, ganitong storyline.” Tumango ako sa sinabi niya. Maganda ang naisip niya, kapag komplikadong istorya kasi ay paniguradong mahihirapan kami.

My Ex Is Back!  (Love Academy Series 01)Where stories live. Discover now