CHAPTER 22

645 32 4
                                    

CHAPTER 22 |Tripped|


I sighed heavily, hawak ang cellphone ay nilagay ko sa dibdib ang mga kamay. Napatingala ako sa celling ng kwarto ko habang nakahiga sa kama ko.

Kakabasa ko lang ng chat ni, Clark. He said goodnight and I don't know how will I reply him, I bit my lower lip thinking of what happened earlier makes me feel at ease.

Sa huli ay isang tipid na, "night" ang ni-reply ko bago pinatay ang cellphone. Dahil sa pagod ay madali rin akong nakatulog.

Usual family routine lang naman ang nangyari nang, Sunday. Mae and Rose keeps asking me ano raw ba talaga ang nangyari sa'kin noong Sabado, sinabi ko na lang na ayos na ako and nothing to worry about.

Nang dumating ang Lunes ay inabangan talaga ako nina Mae at Rose sa parking lot just to check on me. Pinakita kong buo pa ang body parts ko para lang makontito sila.

Habang naglalakad kami sa hallway ng main building ay linga ng linga si, Mae sa paligid. Parang may hinahanap o pinagtataguan, she doesn't feel comfortable mahigpit din ang hawak niya sa straps ng bag niya at mukhang kabado.

"Ayos ka lagn?" Tanong ko nang makalabas kami sa main building, I saw how she blinked her eyes in shock.

"A-ah, oo." Kumunot ang noo ko. Balak ko pa sanang magtanong kaso nabitin sa ere ang salita ko nang makita si, Clark sa unang baitan nang hagdanan. Seryusong nakatayo at mukhang may hinihintay. Si, Rose ang nagtanong kay, Mae dahil ako ay hindi na mapalagay.

There's something into me, jumped the moment I saw him. Hindi ko alam ba't ako kinabahan bigla, sanay naman na ako sa presensya niya ah?

Mula sa pagkakasandal sa banister ng hagdanan ay umayos ng tayo si, Clark nang makita ako. Saglit ko lang siyang tinignan pagkatapos ay umiwas na ng tingin.

Bahagya akong nagpahuli sa pag-akyat dahil matatamaan ko si, Clark kung magsasabay kaming tatlo. Tatlo lang kasi ang kasyang sabay na umakyat sa hagdanan.

Dahil sa kaba ko ay namali ang pagtapak ko sa hagdanan! Agad akong nawalan ng balanse, kaya natumba ako at natukod ang dalawang palad sa sunod na baitang ng hagdanan.

Sa gulat ay nanlaki ang mga mata ko, agad kong tinignan ang reaction ni, Clark sa pagkakadapa ko! At gusto ko na lang kainin ng lupa nang makita ang pagkagat niya sa labi niya para pigilan ang pagtawa.

Nakakahiya! Mae and Rose immediately run to me, pati si Clark ay bahagya ring lumapit.

"Ayos ka lang?"Tanong ng mga kaibigan ko. Si, Rose ay natatawa pa kaya gusto ko siyang kaltukan.

"Ba't ka naman kasi lumangoy wala namang dagat." Natatawang ani, Mae. Kaasar!

Dali dali akong tumayo kaya agad kong naramdaman ang pagkirot ng paa ko, nananakit din ang palad ko dahil 'yon ang naitukod ko, pero ang mas iniinda ko ngayon ay ang kahihiyang natamo ko sa harap ni, Clark! 

"Ano ba 'yan, walang masakit?" Seryuso ng tanong ni, Rose.

O may Anya! Sana 'di ka na lang pumasok ngayong araw! Tanga ka na nga sa pag-ibig, pati ba naman sa pag-akyat ng hagdanan?!

Nagulat ako nang biglang lumuhod sa harap ko si, Clark. Tila kinuryente ang mga tuhod ko nang hawakan niya ito! Pinunasan niya ang tumulong dugo roon, hindi ko alam na nasugatan pala ako!

"O my gosh there's a blood Lian, should we go to clinic?" Bahagyang nagpanic si, Rose ako naman ay 'di na maalis ang tingin kay Clarck sa ginagawa niya.

"Malaki ang sugat Clark?" Mae asked. Ako ang umiling sa kanila nang makabawi. Ayos lang talaga ako, umatras ako para malayo ang kamay ni, Clark pero kumirot ulit ang mga paa ko. Tumalikod ako at sinubukang humakbang sa hagdanan, pero ganuon pa rin. Mabuti na lang at inilalayan ako nina Rose at Mae sa pag-akyat.

My Ex Is Back!  (Love Academy Series 01)Onde histórias criam vida. Descubra agora