CHAPTER 08

956 41 0
                                    

Chapter 08 |Want|

Bumibigat ang bawat paghinga ko, bawat hakbang ko ay nangangatog ang binti ko. Mahigpit at namamawis na ang mga kamay kong nakahawak sa straps ng bag ko. 

Clark is looking at me intently habang naglalakad ako palapit sa kanya. Ayaw ko sa titig niyang ‘yan, masakit sa puso ang bawat tibok ng puso ko.

I chose not to run away. Kapag bumalik ako, kapag iniwasan ko siya, magmumukha akong talunan. That’s the least thing I want to happen.

Maingat ang bawat galaw ko nang ilapag ko ang bag sa mesa ng armchair. Ayaw kong magkamali, baka isipin niyang clamsy ako.

Kulang na lang ay mabali ang leeg ko katitingin sa side na taliwas sa kanya, ayaw ko siyang tingnan pero ramdam ko sa peripheral vision ko ang titig niya sa ‘kin.

Napalunok ako nang tuloyang maka-upo, nasa kabilang side pa rin ang tingin ko, iniiwasan siya. 

Gusto ko sanang kunin ang cellphone sa bag para may pagkaabalahan kaso natatakot akong gumalaw. Nanginginig ang mga kamay ko, sa sobrang lakas ng pintig ng puso ko, pakiramdam ko ay kaya na itong marinig ng katabi ko.

“Anya. . .” Halos tumigil ang sestima ko nang marinig ang namamaos na boses ni Clark. Mas lalo lang lumaks ang pintig ng puso ko.

Sa sandaling ito, hindi ko na alam anong e-re-react, na blanko nang bigla ang sestima ko. Hindi ko akalaing kakausapin niya ‘ko.

“Anya, enough this playing dumb act. Let’s stop pretending as if nothing happened.” Lumunok ako at tinatagan ang loob, umiinit na ang sulok ng mga mata ko. Hindi ko hahayaang makita niyang umiiyak ako. “Kausapin mo ‘ko.”

Tumango ako at dahan-dahan siyang hinarap, nagtagis ang bagang ko nang tinitigan ko ang mapupungay niyang mata, sa huli ako rin ang unang nagbaba ng tingin. “Ano’ng sasabihin ko sa ’yo, Clark? Welcome back?” Hindi ko na napigilan ang pagiging sarkastiko. Nananaig ang nananahimik na galit ko para sa kanya.

Galit na uncontious kong inalagaan sa nakalipas na limang taon. Sige nga? Paano ko siya hindi mapapatawad, eh ni minsan hindi naman siya nag-sorry sa ‘kin. Sa sakit na pinagdaanan ko, wala siyang sorry na sinabi.

“Alam mo ba kung bakit ako bumalik?” tanong niya sa ‘kin sa nanunuyang titig, nahanap niya ang mga mata ko kaya agad akong umiwas.

“Malay ko sa ‘yo,” pabalang kong sagot. Humihina na ang boses ko, natatakot akong mabasag ito dahil alam kong pag-iyak ang kasunod nito.

“I want you back Anya. Back with me.”

Napaawang ang labi ko sa deritsahan niyang sinabi. I know Clark is a straight forward person, pero okay lang siya? Sa hirap ng pinagdaanan ko napakadali niya lang nasabi ‘yan?

Ilang ulit akong napakurap nablangko na naman ang utak ko dahil hindi ako makapagsalita. I scoffed at him. 

Ang mga mata niya ay kailanma’y ‘di naputol ang pagtitig sa ‘kin. Hindi ko na kaya ang intensidad na ‘to, marahas akong napatayo. Gusto ko na lang takasan siya, lumayo sa kanya. Matagal ko nang natanim sa isip ang mga sasabihin sa kanya kung sakaling magkita kami, pero ngayon? Nawala lahat ‘yon! Nablangko ang utak ko!

Umiling ako sa kanya, isang tulak na lang tutulo na ang luha ko. I stood up to walk out ngunit agad niyang nahawakan ang pulso ko kaya agad akong natigilan.

“Please Anya, let me explain. Kahit ilang taon na ang lumipas, hayaan mo ‘kong magpaliwanag,” he begged, tila nahabag ako nang marinig ang boses niya. His voice sent shiver down my spine.

Tuloyan nang tumulo ang luha ko, walang sabi-sabi ay marahas kong winaksi ang kamay niyang nakahawak sa pulso ko.

Patuloy ang pagpatak ng luha ko habang tinatakbo ang common bathroom ng floor namin. No Clark! Hindi ko pakikinggan ang explaination mo, kahit pakinggan ko ‘yan walang magbabago.

My Ex Is Back!  (Love Academy Series 01)Where stories live. Discover now