CHAPTER 25

601 25 0
                                    

CHAPTER 25 |Story|

"Nand'yan na rin ang scripts ng mga mauunang scenes, I'm still working on its ending." Nagsalita si, Clark nang tumagal ang titig ko sa kaniya kaya agad akong umiwas.

Napabuntong hininga ako at binalingan ang hawak kong story outline at script na gawa niya. May pakiramdam kasi ako sa laman ng story nang basahin ko 'yung title kanina. Pero hindi naman siguro 'di ba?

"It's okay, Clark. Ang galing mo nga eh, ang dali mong nakagawa ng story I'm sure madali mo ring matatapos ang ending." Margareth complimented Clark, nag-uusap sila habang ang iba kong ka-grupo ay sinisimulan nang basahin ang scripts.

"Hindi ko rin alam kung madali kong matatapos ang ending." Nasa script ang mata ko pero ang tainga ay nakikinig sa kanila.

"Bakit naman?" Margareth asked.

"Kasi hindi ko alam paano tataposin ang kwento." Napaayos ako nang upo sa sinabi ni, Clark kaya bahagya nila akong nilingon.

"You mean to say may chance na hindi magkatuloyan ang dalawang bida sa kwento?" Tanong ni, Margareth. Nagkibit lang naman ng balikat si, Clark. "Interesting huh?"

"Pwede..." mahinang ani, Clark.

"Bakit parang hindi ka sigurado eh ikaw ang author nito?" Natatawang ani, Margareth.

"Kasi hindi ko alam kung matatanggap ba ng babae ang lalaki."  Mas lalo akong yumuko nang maramdaman ang titig ni, Clark sa'kin. Sa pag-uusap nila ngayon mas lalo lang lumakas ang hinala ko tungkol sa kwentong isinulat niya. Bigla tuloy akong natakot na basahin ito.

"Huh?" Nagtatakang ani, Margareth.

"Ah wala,"

Huminga ako ng malalim at pilit na nilakasan ang loob. I then started reading what he wrote, without thinking what's going to happen next.

Title: Win You Back

Nakasulat doon ang outline, summary at discriptions ng story. Hindi ko alam anong pinagkaiba nu'n. Inuna kong basahin ang summary. First sentence pa lang halos magimbal na ako.

Cyrine and Jaime are bestfriends since they were elementary, they've known each other for a long time that developed them into a different kind of friendship and bond.

Sanay sila sa isa't isa at halos magkasama na sa bawat oras ng araw.  Sandalan ang isa't-isa at kasiyahan ang mga araw na sila ay magkapiling. Hindi matanggap ni, Jaime na hindi na kaibigan ang turing niya sa kaibigang si Cyrine sa bawat paglipas ng araw. He started to fall for her, napakabata pa niya at ayaw niyang pag-ibig na sobra pa sa pagkakaibigan o pagiging kapatid ang maramdan niya para sa kaibigan.

He tried to run from what he's feeling towards his bestfriend. But Cyrine's charm and smiles are always chasing him even into his dreams. He tried to hide what he's feeling but he just can't, lalo na pagnakikita nitong may kausap itong ibang lalaki. Nagseselos siya.

It was December,  day 16 of it. Inamin niya sa nag-iisang babaeng kaniyang tunay na minahal ang totoo niyang nararamdaman. Hindi na niya kayang itago kaya nilakasan niya ang loob at sinabi kay, Cyrine na gusto niya ito, and probably or not probably mahal niya ito. Higit pa sa kaibigan. It was a romantic scene that they both thought it would only happen in movies.

Hawak ang bewang ni, Cyrine habang sinasayaw sa indayog ng musika sinabi niya rito ang totoo. That he want more than friendship. Nalaman niya rin sa mga oras na 'yon  na pareho ang nararamdaman nila ng kaibigan para sa isa't-isa.

itinigil ko ang pagbabasa at huminga ng malalim. Bumibigat ang dibdib ko sa binabasa, isa lang ang masasabi ko. Pamilyar. Pamilyar sa'kin ang plot ng kwentong ito.

My Ex Is Back!  (Love Academy Series 01)Where stories live. Discover now