Chapter 17: Gory

En başından başla
                                    

Inirapan pa ko ni couz bago nag dive sa kama nya.

Iiling iling akong humiga sa kama ko habang tinatadtad ako ng “UY” ni V sa text.

-“uy. Reply naman jan”

 

-“Louisa?? Yoohooo?”

 

-“still awake?”

Sa inis ko, tinurn off ko nalang ang phone ko.

 

 

Matapos kong maligo, nagpalit na agad ako ng school uniform bago lumabas ng dorm nang mag isa. Nauna nang pumasok si couz eh.

Iniwan ko na din sa drawer ko yung phone ko. hindi ko kasi alam ang takbo ng isip ni V. baka mamaya, mapagtripan nung agawin yung phone ko, mahuli pa nyang ako yung tinetext nya.

 

That is so not good.

As usual, madaming mga lalaki nanaman ang nagkalat sa hallway. Yung iba, natakbo habang nagsasapatos pa. meron ding hindi pa nakakapag suklay. Mga late sa klase! Tsk.

Mabuti nalang at iba ang time ng pasok ko. 8 am pa at kahit 7 ang pasok ko, hindi naman ako nalelate.

Sumakay na ko sa masikip na elevator. Pagbukas nito, hinayaan ko munang maubos ang laman bago ako sunod na bumaba.

Nakakailang hakbang palang ako palabas, may kung sino na kaagad ang bumangga sakin.

 

“OH M G. sorry”

Tumaas ang kilay ko sa inasta nung lalaki. Napatakip pa sya sa bibig nya na animoy gulat na gulat sa kapalpakan nya.

‘parang bakla’

“yeah. I’m a proud gay” tumaas din ang kilay nya.

Nanlaki naman ang mga mata ko.

 

‘shet. Narinig nya? nababasa nya ba ang utak ko?’

 

“no! you’re thinking out loud kaya”

Nalaglag ang panga ko.

Ngumiti sya sakin bago humakbang palapit..

Napalunok ako at bahagya pang napaatras.

“and you’re?” ngumiti sya sakin.

 

“Luis tol” tinanguan ko sya. Ngumisi naman sya at bahagya pang pinaraanan ng haplos ang balikat ko.

When she entered Adonis Academy (complete)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin