Chapter 17: Gory

9.6K 339 82
                                    

Chapter 17:

LOUISE’S P.O.V

 

-“good morning Louisa”

What the f?!!!

Napahilamos ako sa mukha ko nung pagkagising ko palang ay text na ni V ang bumungad sakin.

“arrrghhh”

I closed the message bago tuluyang bumangon sa kama.

Isang linggo na ang lumipas matapos yung acquaintance party kung san unang nagtext sakin si V.

Right after that party, nakarecieve ako ng text mula sa kanya.

Isang linggo ko na ding dinededma ang text nya.

Isang beses lang ako nagreply at ‘HU U’ pa yung sinabi ko.

I have two phones okay?! Isa ay yung totoo which is yung kinocontact nya ngayon at yung isang phone ay supposedly my number here sa school bilang si LUIS. Yun ang number na binibigay ko pag kailangan. Yung orig naman ang pangcontact sakin ng family ko.

Nakakainis lang kasi naenvade na nung alien na yun ang parehong number ko!

“what’s with the face dear?” napatingin ako kay Jin na kalalabas lang ng banyo. Wet look pa ang baklita.

Itinaas ko yung phone ko at sa gesture kong yun palang, alam na ni Jin kung anong pinuputok ng butsi ko.

“wag mo nalang replyan” sabi nya bago dumiretso sa cabinet nya.

Tumayo naman ako at pumasok sa banyo para maligo.

 

“BAKIT MO BINIGAY YUNG NUMBER KO????!!!” halos pumutok na yung litid ko sa inis nung malaman kong binigay ni Jin yung number ko kay V.

“ang kulit ng lahi! Hayaan mo nalang. Dedmahin mo” sagot pa nya habang nagpapalit ng pantulog. Katatapos lang kasi ng party.

 

“akala ko ba may gusto ka kay V? bakit parang ipinagkakanulo mo naman ako sa alien na yun?!!” kinamot ko ang ulo ko sa sobrang inis.

I just can’t believe it!

Nagtetext sakin si V at ang tawag nya sakin ay LOUISA! My real name!

Pano pag nabuking ako?

Jusko. Nagiging complicated na ang pagpapanggap ko!

Kasalanan to ni Jin eh!!!

 

“wag mo nalang kasing replyan. Hayaan mo syang magising sa katotohanan na walang ibang taong nakalaan sa kanya kung hindi ako!! Tarayan mo nalang para mas madaling tumiklop. Hay naku! Tulog na ko!”

When she entered Adonis Academy (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon