Chapter 21: I want you

11.2K 404 62
                                    

Chapter 21: I want you

LOUISE’S P.O.V                                                                        

 

“I love you Luis. I am so damn inlove with you” natulala ako sa seryosong mukha ni V.

 

I bit my lower lip pero napaawang ito nung biglang lumapat sa labi ko ang labi nya.

Nanlaki ang mga mata ko but when he wrapped his hands around my waist and pull me evenmore, napapikit na ko.

 

Ang lambot ng labi nya. ang init ng halik nya.

 

I respond to his kiss before I encircled my arms on his nape.

 

“I love you” he said between our kiss.

 

“I love----FUCK!”       

Nanlaki ang mga mata ko habang tumutulo ang sandamakmak na pawis sa noo ko.

Napatingin ako sa paligid at ganun nalang ang naibuga ko ng hangin nung makitang nasa kwarto pa ko.

Nananaginip lang ako.

Jusme! Buti nalang at panaginip lang yun.

I was supposed to say I love you back! Geez!! Nakakakilabot! Salamat at nagising ako!

“hoy bilisan mo! Mag ayos ka na! malelate ka nanaman”

Napabaling ako kay Jin na pormang porma na. Napanguso nalang ako bago tumayo sa kama at dumiretso sa banyo.

Pagkatapos kong maligo, nadatnan kong wala na si Couz. For sure, nasa klase na yun.

I hissed bago nagmadaling mag ayos ng sarili ko.

Korean 101 ang first subject namin ngayon at next dun ang P. e.

Continuation mamaya ng baseball. Tsk.

Katakot takot na laro nanaman ang aabutin ko.

Inayos ko ang wig ko na gawa sa tunay na buhok bago nagmadaling lumabas ng dorm.

Inabutan ko ang maingay na klase namin kasi wala pa si sir.

Wala masyadong nakapansin sa pagdating ko maliban kay Gory.

“LUIS!!!!!” nakangiting tawag nya. Napangiti din tuloy ako.

Good thing na friends na kami. Iba parin yung may kaibigan kang alam ang tunay  na pagkatao mo at iniingatan din at the same time ang sikreto mo.

Nagtinginan sakin sila Jimmy at agad naman nila akong nginitian.

When she entered Adonis Academy (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon