Chapter 40: Bitch

8.8K 256 40
                                    

Chapter 40: Bitch!
CHEVY'S P.O.V

konting kembot nalang, kamukha ko na si Joker.
Bakit ba kasi di ko maalis alis ang ngisi ko?

"A-ano. Kasi...."
Pasimpleng sinusundot ni Louise ang tagiliran ko para humingi ng tulong.

"All this time.. All this time, akala namin lalaki ka" madramang sabi ni Jay.

Napapailing na lang ako.

Kanina pa kami kinokompronta ng mga gago.
Kanina pa din ako nagpapaliwanag. Actually, nasagot ko na lahat ng katanungan nila pero nagpapaikot ikot parin ang usapan kaya eto ako ngayon, nakangising pinapanuod nalang ang girlfriend kong mahirapan sa pagpapaliwanag. Ang cute nya pala pag defensive sya. Hehe.

"S-sorry."
Yumuko na sya. Suko na sa kakulitan ng mga luko.

Agad ko syang hinapit sa bewang at niyakap mula sa likod.

I felt her stiffened at napangiti pa ko ng husto nung makita ko ang disgusto sa mukha nila Ralph.
Hindi talaga sila makapaniwala na si 'Luis' ang pinakamamahal kong syota.

"Hayaan mo na sila babe." Hinalikan ko sya sa gilid ng leeg para asarin ang limang gago. Lima kasi wala si Jin.

Mas lalo tuloy silang napangiwi. Hahaha. Inggit lang sila. >:-P

Siniko naman ako ni Louise kaya tatawa tawa akong lumayo.

"Grabe. Akala ko pa naman, nababakla ka na sa kanya kasi sobra ka kung makalingkis tapos... Tapos babae pala sya!"

Napatawa nalang ako.
Bahala sila sa buhay nila.
Kanina pa nagdadrama. Kesyo bakit daw hindi namin pinaalam sa kanila. Bakit daw namin itinago. Parang hindi daw sila tropa. Haaaaay.

Hindi naman kami umabot ng madaling araw sa pagpapaliwanag.
Nakaalis na rin sila ng dorm bago pa maabutan ng curfew.
And thank God, walang nagtangkang pumorma sa girlfriend ko kung hindi, masisipa ko talaga sila sa balls nila.

hinawakan ko sya sa kamay at hinila papalapit saakin.

Dahan dahan naman syang tumayo mula sa sofa ng hindi nag iiwas ng tingin. So beautiful.

A smile slowly form in my lips nung pumaikot sa bewang ko ang mga braso nya sabay subsob sa dibdib ko.

Hinawakan ko ang ulo nya at marahang humalik sa tuktok ng buhok.

"I love you" mahinang usal nya.
Hindi ko tuloy napigilan ang puso kong mapa-high jump.
Minsan lang maglambing to kaya naman kilig na kilig ako. Hehe.

"Mas mahal kita" sagot ko.

Nagtungo kami sa kwarto at dumiretso naman sya sa banyo para magshower.
Kumuha ako ng extra shirt at jogging pants para ipasuot sa kanya.

Natatakot akong pasuotin sya ng boxer shorts ko. Baka matukso ako. Ang ganda kaya sa paningin yung makita mo ang girlfriend mong suot ang underwear mo kaya umiiwas ako sa tukso. Nag iingat lang :)

Lumabas na sya ng banyo kaya ako naman ang pumasok pero bago ko pa sya malampasan, namilog muna ang mga mata ko sa napansin ko.

Oo. Naka plain black t-shirt sya! Hindi ko sana mapapansin pero ewan ko ba! Kasi ano...
Ano yung ano nya....

Yung dibdib nya. Fck!
Wala syang Bra!
Bakit wala? bakit bakat?!

Lumunok ako at napansin nya atang napatulala ako kaya tinawag nya ko.
Thank goodness lang at hindi ako sa dibdib nya nakatitig that time.

"V!!!"

"OO! SABI KO NGA. PAPASOK NA KO NG BANYO" mabilis na tugon ko bago tumakbo papasok ng banyo.

When she entered Adonis Academy (complete)Where stories live. Discover now