Chapter 44: Call

6.9K 256 42
                                    

SPG: LENGWAHE!

Chapter 44: Call
CHEVY'S P.O.V

Ilang beses ko syang tinanong kung anong kasalanan ko.
Kung bakit sya galit na galit sakin at kung bakit sya natatakot. Kasi hindi ko na alam ang gagawin ko.

She's so damn mad at me at di ko alam kung pano ko maalis yung galit na yun.

Nasasaktan ako sa pagtrato nya sakin dahil wala akong kaide-ideya kung anong ikinagagalit nya.

Paulit ulit ko syang tinanong pero hindi nya ko sinasagot. Umiiyak lang sya habang pinagtatabuyan ako.
Sa huli, nadatnan kami ni Jin sa ganoong tagpo kaya pinaalis nya muna ako. Sya na daw bahalang kumausap kay Louise.
Ayoko mang umalis pero nung niyakap sya ni Jin at kumalma sya, dun ko naisip na hindi ko sya mapapatigil sa pag iyak hangga't nandun ako sa harapan nya.

She hates me.
I want to convince myself that she still love me kahit na galit sya pero di ko maiwasang maisip na baka mawala ang pagmamahal nya.
Na baka sa huli, makipag hiwalay din sya at ayokong mangyari yun. Di ko kakayanin pag nangyari yun.

She's my everything now and who would want to lose their everything? Ofcourse, No one! I don't know what to feel. Should i be happy? kasi hindi pa sya nakikipag break o dapat na kong matakot kasi malaki ang posibilidad na mangyari yun?
I'm so afraid of what's happening.
I'm so afraid of what could happen.

Hindi na ko nakapasok sa dami ng iniisip ko. Maghapon lang akong nagkulong sa kwarto. Maghapong sya lang ang laman ng utak ko.

Mababaliw na yata ako. Sya lang ang nakagawang iparamdam sakin ang ganito.
Sya palang ang nakasakit sakin ng sobra. Sobrang sakit pala talaga pag sobrang mahal mo yung tao.
Hindi ka mapapakali.

Hindi ako gaanong nakatulog. I texted her every hour at di na ko umasang magrereply sya.
Ang sakin lang, gusto kong ipaalam sa kanya na mahal na mahal ko sya. At kahit na galit sya, at nasasaktan nya na ko, hindi parin mababawasan ang pagtingin ko sa kanya.

The next morning, maaga akong pumasok. Nagbabakasakaling makikita ko sya at makakausap. Umaasang maibabalik sa dati ang lahat kasi miss na miss ko na sya. Miss na miss ko na ang paglalambing nya.

Sa halip na magandang araw ang sasalubong sakin, Isang malakas na suntok ang tumama sakin.

Napasinghap ako maging ang mga kaklase ko.

Hindi ako makapaniwalang napatingin sa galit na galit na si Jin.

"What the!" mabilis na tumakbo si Suga para pigilan si Jin pero pilit itong kumakawala kaya nakipigil na rin si Jay.

"Tarantado ka!!!" dinuro nya ko. Hindi ako makapagsalita sa sobrang pagtataka.

Bakit sya galit sakin?

Napahawak ako sa ibabang labi ko nung malasahan ang dugo.

"TANGNA!! PINAGKATIWALAAN KITANG HAYOP KA!!!" pumalag sya sa hawak nila pero hindi sya makawala.
"LANGYA! BITAWAN NYO KO!!!!" Ang sama ng tingin nya sakin.

"anong ginawa ko?" nanatili akong kalmado.
Alam kong may kinalaman ang nangyayari saming dalwa ngayon ni Louise sa galit ni Jin.

Mamasa masa na ang palibot ng mata ni Jin habang mariing nakatingin sa akin.
Galit na galit sya sa di ko malamang dahilan.

"TANGINA MO! GINALAW MO ANG PINSAN KO TAPOS HINDI MO ALAM KUNG ANONG GINAWA MO?! PAKYU KA!.... BITAWAN NYO KO!!!!"

Nanigas ako sa tayo ko sa narinig ko. Anong ibig nyang sabihin?

"Kumalma ka nga!" pigil ni Kookie kay Jin.

Para akong natuod sa posisyon ko habang iniisip ang sinabi nya.
Hindi ko na inintindi ang bulungan ng mga kaklase namin. Wala akong pakielam! Ang tanging laman lang ng isip ko ay yung sinabi nya.

When she entered Adonis Academy (complete)Where stories live. Discover now