Chapter 39: holy shhh...t

10.1K 297 39
                                    

Chapter 39: holy shhh...t
LOUISE'S P.O.V

Sabi nga nung iba, mabilis lumipas ang panahon kapag masaya ka. Kaya ngayon, wag na kayong magtaka dahil dalwang buwan na ang nakalipas at dalwang buwan na rin ang relasyon namin ni V.

Hindi ko na rin inasahang mababawasan ang pagkasinto sinto nya. Mas masaya na ko sa kung ano sya nung makilala ko at masaya ang relasyon namin kasi walang nagbabago.

"Hoy." Binatukan ako ni Jin kaya napatigil ako sa pag bubutones ng polo ko.

"Ang sama mo" sinamaan ko sya ng tingin at pinagpatuloy ang pagbubutones.

"Tssss. Happy monthsary" sabi nya bago ako tinalikuran at lumabas ng dorm.

Hindi ko naintidihan nung una kung anong sinabi nya pero nung mag sink in sakin ang narinig ko, napangisi na ko. Bitter ang bakla. Haha.

Umiling ako bago pinagpatuloy ang pag aayos ng sarili. Matapos yun ay isinakbit ko na ang jansport ko tsaka lumabas.

Sa loob ng dalawang buwan,
Wala paring nakakaalam sa tunay kong katauhan maliban kila V, Jin, Basty at Gory. Hindi naman kasi ako pansinin masyado.

Pumasok na ko sa room namin ng walang emosyon ang mukha. Ayokong ngumiti, baka isipin ni V na ang saya saya ko naman. Lalaki nanaman ang ulo nun. Feeling patay na patay ako sa kanya.

Nakatingin lamang ako sa pares ng mga mata ng nag iisang lalaking nakangising pinapanood ang paglapit ko.

Gusto kong ngumiti pero nahihiya ako. Baka tuksuhin nanaman kaming bading ng mga kaklase namin. Ewan ko ba pero ako lang ang napikon nung ginawa nila yun. Ang lukong si V, sinakyan pa ang trip nila.

"Hi pare" nakangiti nyang bati habang pinagmamasdan ang pag upo ko.

Ganyan sya palagi. Madalas nahuhuli ko syang pinapanuod lang ang bawat galaw ko.
Yes, nasasanay na ko pero pinamumulahan parin ako.

At gustong gusto nya namang papulahin ang pisngi ko. -___-

"Bawasan mo nga ngiti mo" nakangusong sabi ko naman pero kabaligtaran ang ginawa nya. Mas lalo lang sumingkit ang mga mata nya sa laki ng ngiti nya.

"Bakit? Naaakit ka nanaman?" Bulong naman nya.

Oo naaakit ako pero di ko aaminin. Asa pa sya.
Gusto ko sana sabihing umiiwas lang ako sa panunukso ng mga kaklase namin pero mas pinili ko sabihing....
"Hindi ah. Mukha kang timang actually"

Sa sinabi kong iyon, nawala ang ngiti nya. Sumimangot sya at alam ko namang nagpapacute lang sya.

Ewan ko ba sa kanya.
Ang gwapo gwapo pero kung magpacute, daig pa si tweety bird.
Ipaalala nyo nga sakin kung bakit sya ang chinuwariwap ng puso ko?

"Ang sama neto" bulong nya sabay yuko.
Tumaas lang ang kilay ko.

"Ang hard hard magsalita. Kung bakit ba naman kasi hindi ka pa masanay V. Alam mo namang hindi sweet ang girlfriend mo." Pangangaral nya sa SARILI nya.

Nakoooo. Kinausap nanaman ang sarili para konsensyahin ako.

Nakagat ko ang labi ko para pigilan ang ngiti.
Inaamin ko naman na kahit sira ang tuktok ng lalaking to, napapasaya nya naman ako sa mga kalokohan nya.

"Excited pa man din ako ngayon kasi monthsary namin. Mukhang hindi pa nya naalala." Bumuga sya ng 5 segundong hininga.

Napasapo na ko ng mukha dahil sa kaartehan nya.
Pang mmk ang drama. Leshe.

When she entered Adonis Academy (complete)Where stories live. Discover now