Chapter 9: BLOCK

12.7K 395 94
                                    

Chapter 9: BLOCK

LOUISE'S P.O.V

Hindi ko inasahang ganun lang ang reaction nya.

Alam mo yun?

Kasi ang inexpect ko, magtatatalon din sya kagaya ng iba matapos kong mabulls-eye yung bilog pero hindi! Ngumiti lang sya at nag thumbs up.

"Nice game" nginitian ako ni V matapos ko syang lapitan.

"salamat pare" nag apir kami bago ako bumaling sa iba pa naming kasamahan.

"ang galling ah!" nakipag apir na din sakin sila Jimmy.

Halos pagkaguluhan na nga nila ko.

Ang kukulit!

"dahil jan! manlilibre!!!!!" sigaw pa ni Jay. Ngumuso lang ako.

"hindi nakakatuwa jay!" inirapan ko sya pero tumawa lang sila.

"ako na manlilibre!!"

Lahat kami'y napatingin kay V nung sumigaw sya.

"ikaw?" tanong ko.

Bakit nga ba naman nya aakuin ang panlilibre na dapat ay sakin diba?

Mas lumapad lang ang ngiti nya sabay tango at akbay sakin.

"syempre. Alam ko namang kuripot ka! hahaha"

Napasimangot ako.

Alam nya na talaga ang ugali ko.

Pag usapang KURIPOT, nangunguna na ko.

"ang bait! Hahaha. Sigi na nga. Kahit sinabihan mo kong kuripot, Go ako!"

Parang biglang nawala yung inis ko kay V.

Diba dapat, sya ang sisihin ko kaya sumala yung una kung tira?

Dahil sinigawan nya ko ng I LOVE YOU!

Pero naisip ko ding wala syang kasalanan. Ako tong si tanga na nag paapekto sa isinigaw nya.

At isa pa! sya din naman ang dahilan kaya naka bulls eye ako so bawing bawi talaga sya.

"laki ng ngiti mo pare ah!" puna nya sakin habang nilalapag ang higanteng calda pizza sa lamesa namin.

Nakagat ko ang labi ko para maalis ang ngiti ko. Nakita ko ang pagbago ng reaction nya, mula sa nang aasar na ngiti papuntang naiilang na tingin.

Napalunok pa sya bago umubo at nag iwas ng tingin.

Umupo na din sya sa harapan ko habang hindi ko maiwasang magtaka sa ikinilos nya.

"American Football pa nga pala tayo mamaya. Tsk" sabi ni Ralph habang kumukuha ng isang slice ng pizza.

"Oo nga eh. P.e. uniform naman ang suot diba?" tanong ko.

Tumango lang sila bilang tugon. Puro na kasi may laman ang mga bibig. Psh.

"kain lang ng kain pare para naman lumaki laki yang katawan mo"

I frowned dahil sa sinabi ni V.

"ayokong lumaki ang katawan ko. ayos na ko sa ganito" I replied.

When she entered Adonis Academy (complete)On viuen les histories. Descobreix ara