Chapter 47: partnership

7.4K 275 47
                                    

Chapter 47: partnership

Hindi parin ako makapaniwala na nandito na sila. Sobrang namiss ko sila eh.

"Alam ba ni daddy na boyfriend ko si V?" Pabulong na tanong ko kay kuya Luis habang naglalakad kami papasok ng restaurant.

Nagyaya kasi si Dad na umuwi muna kami para makapagbonding. Dumiretso muna kami sa resto para magdinner then bukas ay may pupuntahan daw kaming party. Hindi ko alam kung ano yun at kung bakit kailangang kasama ako. Then sa monday na ko babalik sa loob ng academy.

"I think so. Nalaman nga ni dad na dun ka nag aaral at yung nangyari sa party. Ofcourse magtataka yun kung anong ginagawa mo sa party ng mga Saavedra nung araw na yun"
tumango nalang ako. Napunto nya kasi ang laman ng isip ko.

Umakbay sakin si Kuya. Nasa unahan naman namin si Dad.

"This way po" sabi nung babae at hinatid nya kami sa pinareserve na lamesa ni dad.

Naupo na kami dun at umorder na kaagad si dad.
Tahimik lang kami. Ang seryoso kasi ng aura nya. Parang pag nagsalita ako, may mali akong masasabi.

"hindi ko na itutuloy yung deal sa mga saavedra"

Natigilan ako bago takang tinignan si Dad.

"Dad!" daing ni kuya. Hindi naman ako makareact dahil hindi ko alam kung anong tinutukoy nya. Anong deal?

"I don't want a partnership with people like them. Mabuti nalang at maaga kong nalaman ang ugali nila" sagot ni dad habang sumisimsim sa wine.

Nanlaki ang mga mata ko.
Partnership? Deal? tungkol ba to sa kumpanya?
kung ganun....

"Dad, you don't have to." reklamo ni kuya. "Alam natin kung paano magtrabaho si Mr. Saavedra. He's a nice man. A great businessman indeed. Wag mong personalin ang nangyari dad" sagot ni kuya.

Seryoso ang mukha ni dad habang matamang nakatitig kay kuya. "This is not just about the business. Paano ako makikipagkasundo sa kanila kung sila mismo ang ayaw makipagkasundo saatin? kung sila mismo ang gumagawa ng paraan para mawala ang tiwala natin sa kanila"

Natahimik si kuya at gayun din ako. I don't know anything about business. Pero isa lang ang alam ko. Malaking gulo to!
Madadamay si V. Madadamay ang pamilya nya.
Si Venice lang naman ang hindi ko kasundo kaya hindi dapat madamay ang iba.

"Dad please ituloy mo nalang" mahinahon kong sabi. Inabot ko ang kamay ni dad na nakapatong sa lamesa. "It's just a lame fight. Hindi naman ako nasaktan that night eh." Lies. Nasaktan ako. Physically and Emotionally pero okay na naman ako.

"You're just doing this because that Saavedra guy is your boyfriend" Seryoso ang tinig ni dad kaya kinilabutan ako. Nanlaki din ang mga mata ko sa sinabi nya.

I knew it. Alam nya ang relasyon namin ni V.

"I don't know a lot about that guy but I don't trust him. He needs to earn my trust first but I assure you, mahihirapan sya"

Napalunok ako. "Dad naman" ngumuso na ko kaya nagtaas sya ng kilay.

"Do you love him?"

Naputol ata ang dila ko kaya hindi ako makapagsalita.
Seryoso bang usapan to? Tinatanong nya talaga?

"H-huh?"
tumingin ako kay kuya para humingi ng tulong. Ang nakakainis pa, todo lang ang ngisi nya. leche.

"Is it hard to answer my question?" mas lalong tumaas ang kilay ni dad.

"H-hindi naman po. Ang awkward lang" nakayukong sagot ko.

Nadinig ko ang hagikhik ni kuya kaya siniko ko sya.

When she entered Adonis Academy (complete)Where stories live. Discover now