Chapter 12: Chocolates

10.8K 401 118
                                    

Chapter 12: Chocolates

LOUISE’S P.O.V

Naglalakad na kami ni V pabalik ng room matapos naming dayuhin ang library.

Wala naman syang ginawa dun. May hinahanap daw sya pero di nya nakita kaya nagyaya nalang bumalik ng room.

Tsss

 

“kung sinabi mo lang kasi sakin kung anong hinahanap mo, edi sana, natulungan kita” paismid kong sabi.

“okay lang. next time ko nalang hahanapin”

Hindi sya makatingin sakin kaya pakiramdam ko tuloy, nagsisinungaling lang sya.

“bahala ka”

Bahagya kong binilisan ang lakad ko kasi malapit na kami sa room kaso may nakita akong nakapaskil sa bulletin board na nadaanan ko kaya napaatras ako.

“hala shet. Oo nga pala!” napatakip ako sa bibig ko.

“ano yun?” tumigil si V sa tabi ko at tinignan din kung anong tinitignan ko.

“Acquaintance party na sa isang araw! Nakalimutan ko” tinuro ko pa yung papel na nakadikit sa board. “wala pa kong susuotin. Tae!”

Problema nanaman.

Sana may extrang formal suit si Jin.

Kaso hindi nga pala kami magkasing sukat ng katawan. Pots!

“end of the month naman bukas. Pwede kitang samahang bumili ng damit” napalingon ako sa kaniya dahilan para makita ko nanaman yung smile nya.

 

“sige. Thanks pare” tinanguan ko sya bago muling nagbalik sa paglalakad papuntang room.

Nakaupo na sila Kookie sa kani-kanilang upuan habang naghahagalpakan ng tawa.

Palagi naman silang ganyan. Puro tawa! Puro biruan! Ang saya ng kanilang barkadahan.

Dumiretso kami ng upuan namin ng hindi gaanong nakakakuha ng atensyon.  Bukod tanging si jin lang ang nakasimangot habang pinagmamasdan kaming pumasok ni V.

Umupo ako sa upuan ko at ganun din naman si V.

Napansin ko ang malaking ngisi nya.

“ang saya mo ata” sabi ko pa.

Tumingin sya sakin at nagkagat ng labi para pigilan ang ngiti.

“tinawag mo kasi akong pare kanina.” Napangiwi ako sa rason nya. “parang sa mga magsyota, endearment nila yun. Satin, parang ganun din.” Nanlaki ang mga mata ko. FCK “bilang bestfriends” dagdag pa nya na ikinahinga ko ng maluwag.

When she entered Adonis Academy (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon