Chapter 29: Identification Card

9.8K 338 26
                                    

Chapter 29: Identification Card
LOUISE’S P.O.V

“anong ibig sabihin nun dude?”
Yun kaagad ang bungad saamin ni Ralph nung lumapit kami ni V sa kanila.

Nakagat ko naman ang ibabang labi ko bago nag iwas ng tingin.

Nahihiya ako sa nasaksihan nila. Alam kong iba ang dating sa kanila nang kinikilos naming dalawa pero ipinagkikibit balikat ko nalang.

"alin?” tanong ni V kahit alam kong alam nya kung anong tinutukoy nila.

“kayo ha! Ang sweet nyo! Baka iba na yan! HAHAHA” pang aasar ni Kookie kaya mas lalo tuloy ako kinabahan.

“gago!”
pinektusan sya sa ulo ni V.
Nakitawa nalang din ako para hindi awkward at para hindi nila masyadong mapansin ang pagkabalisa ko.

Luminga ako sa paligid, hoping na Makita si Gory at hindi nga ako nadissapoint dahil nakita ko kaagad sya. Kinawayan nya ko at sinenyasan ko syang lalapitan ko sya.

“wag nga kayong ano! Nagpapaimpress yan kay Luis para madaling makadiskarte kay Louisa” sabat ni Jin na ikinagulat ko.

‘wow! Suportado na ba kami ni Couz’

“sabagay. HAHAHA”

Para na sila mga tanga na nagsipagtawanan at nung akmang lalakad na ko paalis para lapitan si Gory, sakto namang dumating si Sir kaya sinenyasan ko nalang sya na magtabi kami sa bleachers.

“hoy babae, ang landi nyo ng boyfriend mo ha!” pabulong pero exaggerated na sabi nya nung magkatabi kami.

Sumimangot naman ako bago sya binatukan.
“tumahimk ka nga! Hindi ko sya boyfriend noh” pabulong ko ding depensa pero inirapan nya lang ako bago tumingin sa court kung san nakatayo ang unang grupo na maglalaban.

“kunwari nalang naniniwala ako” aniya kaya binatukan ko nanaman sya.

Mejo napalakas lang kaya ang epic ng itsura nya nung muntik na syang matumba. Napahawak ako sa tyan ko sa sobrang pagpipigil ng tawa pero nung mapadako ang paningin ko sa di kalayuan, napatigil ako sa pagtawa dahil sa seryosong mga matang nakamasid samin.

I gulped bago ko iniwas ang tingin ko sa seryosong si V.

“nako nako nako. Bakla na nga ko, pinagseselosan parin. Lakas talaga ng tama sayo sis”
Nag cross arm si Gory habang pa-irap na nagsasalita. Hindi naman ako nakaimik kasi somehow, naniniwala ako sa pinaglalaban nitong bading na to.

“OH NO!”

Nagulat nalang ako at namimilog ang mga matang napalingon kay Gory dahil sa biglaan nyang pagsigaw. Nakatingin sya sa kawalan habang nakatakip ang bibig ng mga palad na tipong may naiimagine na kagimbal gimbal.

“baka pag-initan nya ko! Gosh!”

Humarap sya sakin at hinawakan ako sa magkabilang balikat.
Mukha syang kinakabahan sa kung ano. Nagsalubong naman ang kilay ko sa pagtataka kung ano bang ibig sabihin nya sa mga sinasabi nya.

“ha?” nakangiwi kong tanong.

He snapped bago kinagat yung hinlalaki ng daliri nya na tila ba napapaisip.

“hindi natin kateam sila V, patay na. Baka saktan nya ko sa court. Anong gagawin ko?!”

Mas lalong nalukot ang noo ko.

“ha?” tanong ko ulit.

“haaaaay. Ewan ko sayo! Puro ka naman Ha jan!” inis nang singhal nya.

Nagkibit balikat nalang ako at tahimik na nanuod hanggang sa matapos ang game.

Ilang sandali pa ay nakita ko nalang ang sarili kong nakatayo sa gitna ng court at napapalibutan ng mga naggagwapuhan kong mga kaklase.

When she entered Adonis Academy (complete)Where stories live. Discover now