Chapter 3: dibdib

18.2K 570 163
                                    

Chapter 3: dibdib

LOUISE’S P.O.V

Hindi talaga ako mapakali.

Pano ba naman, kanina pa ko kinukulit ni V.

Bading nga ata talaga to!

Feeling ko kasi, nagpapacute sya sakin!

Alam nyo yun?

Hindi naman sa assuming ako ha pero feeling ko, type nya ko!

(/_____\)

Kaso lalaki ako sa story!

Hindi sya pwedeng magkagusto sakin! Yun ay kung binabae nga sya!!!

UWAAAAAAAAAAAA!!!

“pare.. mahal mo raw akoooo..” biglang kumanta si V sa tabi ko.

Kinilabutan naman ako bigla sa lyrics ng kanta nya.

Seryoso yung mukha nyang nakatingin sa madilim na daan sa parking lot ng mall tapos biglang dadali ng kanta! At yung kantang yun pa talaga?!

 

“yan ang sabi mo raw nung minsan ay malasing tayo”

Napapangiwi ako.

Ang ganda ng boses nya pero ang creepy  nung message nung kanta.

 

“hmmmm hmmmm hmmmm hmmmm hmmmm hmmmm hmmm” nag hum nalang sya sa mga kasunod na line. It’s better than hearing the lyrics noh!

 

“sabay ka na sa kotse ko ha!” sabay na nag angat ang mga balikat ko nung bigla syang tumigil sa paghimig at kinausap ako.

 

“h-ha?” tinignan ko sila Jin na nauuna na ng lakad samin.

 

“sabay ka na sakin. Pare-pareho naman tayong papunta ng school diba?” ngumiti sya. Yung rectangle na ngiti nya nanaman.

“ano….” Napalunok ako. “kay Jin na ko sasabay.” May kotse naman yung pinsan kong yun! Tama! Sa kanya ko sasabay at wala ng iba!

Ngumuso sya at nagpaawa ng mukha kasabay ng pagtigil sa paglalakad.

Nagsalubong naman ang kilay ko sa pagtataka kung bakit nagpapaawa sya. Pati ako, napatigil na din.

 

“please.. sakin ka na sumabay!” pagmamakaawa pa nya.

 

When she entered Adonis Academy (complete)Where stories live. Discover now