Chapter 34: End of the month

8.9K 347 39
                                    

Chapter 34: end of the month
CHEVY'S P.O.V

"Anong plano natin dude?"

Alas dyes na ng gabi at heto kami, nanunuod parin ng movie.

Hindi na horror ang pinili nila. Takot nalang nilang masipa palabas ng dorm ko. Tsss.

"Sa bar nalang dude" sagot ni kookie sa tanong ni Suga.

Kinuha ko yung cheezy sa lamesa at binuksan para pagsaluhan namin ni Louisa.

"Okay. Walang absent ha! Dapat lahat kasama!"

Tumango na lamang kaming lahat.
18th birthday na kasi ni kookie sa isang isang isang isang araw.

Dalaga na sya. Uuuuuy. Pwede na sila ni Charmaine. hahaha.

At kung di nyo na gets ang conversation, well, sa bar gaganapin ang birthday nya kaya Ayos! Party party kami!

Dumakot ako ng cheezy at isinubo kay Louisa.
Kinain nya naman kaya napangiti ako.

Sinilip ko sya mula sa gilid ng mga mata ko upang makita kung gaano sya tutok na tutok sa palabas.

Tinignan ko ang labi nya na kasalukuyang ngumunguya.
Kung wala lang ibang tao, nahalikan ko na ulit to. Sayang.

"Your eyes" siniko nya ko dahilan upang maibalik sa tv ang paningin ko.

Avengers ang palabas pero sa halip na mag enjoy ako, nalulungkot lang ako.

Pano ba naman, yung kaninang kamay nya na hawak hawak ko mula sa ilalim ng kumot, ngayon ay may iba nang hawak.
Ang swerte naman nung coke. Dyahe!

Ngumuso na lamang ako at pinilit tapusin ang palabas.

"Knock out"

Ngumisi ako nung makita ang nagsilupaging mga mokong.
Napatumba na ng alak. Hahaha.
Ayan kasi! Ginawang tubig ang beer. Tsk. Buti nalang, good boy ako. Coke lang, okay na.

"Tss. Halika nga. Tulungan mo kong maglinis" mas lalong lumawak ang ngiti ko nung makita ang girlfriend kong nakatayo na at nagliligpit.

Agad agad akong tumango tsaka sya tinulungan.

Nakadapa na sa sahig si Jay at Suga na pareho pang nakanganga. Sa Jin naman, pinagsiksikan ang sarili sa couch.
Si Kookie at Ralph, nakaupo sa sahig habang nakadantay naman sa sofa ang mga ulo.
Lahat, Borlogs!

Ibig sabihin lang neto ay.....
Tabi kami ni 'Babes pare ko' sa kwarto! Syeeeeet! Masosolo ko rin sya sa wakas.
Thank you Lord!

"Bakit ka nakangisi dyan?"

Nakasandal na ko sa kitchen counter habang pinapanuod si Louise sa paghuhugas nung mga baso.

"Wala lang"

Tumaas ang kilay nya na halatang hindi naniniwala sa isinagot ko.

Tumikhim muna ako bago kinagat ang ibabang labi.

"Ahmmm, tabi tayo mamaya?"

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Sana wag nya kong tanggihan! Pls pls pls. Sana pumayag sya!

"Ayoko nga" ngumuso sya at nag iwas ng tingin.
Sabay namang bumagsak ang mga balikat ko.

"Pero hindi ka pwedeng sa salas matulog. Hindi ako papayag."
Tinignan nya ulit ako. Kumunot na ang noo ko iniisip ko pa lang na marami syang kasamang lalaki sa salas.

When she entered Adonis Academy (complete)Where stories live. Discover now