Chapter 37: General Cleaning

8.1K 355 40
                                    

Chapter 37: General Cleaning
LOUISE'S P.O.V

Sa sobrang laki ng campus, ni hindi ko namalayang may mga kwadra pala dito ng kabayo at hindi lang yun! Meron ding hiwalay na field na puno ng obstacles.

Horse Back Riding kasi ang Lesson namin ngayon sa p.e.

"Grabe. May ganto pala dito sa school?" Di ko mapigilan ang pagkamangha.

"Oo nga sister. Ngayon ko lang din to nakita" bulong saakin ni Gory.

Tinignan ko sya at kagaya ko, nakamulaga din sya sa field.
Yung iba naming kaklase ay nauna na sa mga kwadra para kumuha ng kabayo.

May 30 daw na kabayo dun kaya tig iisa kami.

Biglang may humawak sa kamay ko dahilan para mawala sa field ang atensyon ko.

"V"

"Tara na dun" sabay hila nya saakin. Hinatak ko naman ang kamay ko kaya muli ay nabaling sakin ang paningin nya.

"Wag mo kong hawakan sa kamay V"

Ngumuso lang sya at hindi na nagprotesta.

"Waiiiiiit lang" Sabay kaming lumingon kay Gory na nakasunod pala saamin.

Ngumisi nalang ako bago sya inantay.

Ilang araw din kaming nawalan ng bonding moment ng baklang to kaya namiss ko sya. Kahit naman magkaklase kami, hindi kami gaanong nakakapag bond kasi UNA, magkalayo ang upuan namin, PANGALAWA, bantay sarado ako ni V at PANGATLO, medyo busy sya sa pagpapapansin sa Leader ng Club C.

Sinabihan ko nga syang mag ingat kasi gangster ang mga nasa Club C pero ayaw nya. Tinamaan daw kasi sya kay RENZ.
Like eeeeeew???!!!! hahaha

"Hold onto my hand" ani V tsaka ako inalalayan sa pag akyat sa kabayo.

Wala namang malisya yun sa iba kasi hindi naman lahat samin ay marunong na kaagad umakyat sa kabayo. Well, ibahin nyo si V kasi maalam sya.

"Ako din! Ako din! Help leader" pagmamaktol ni Bakla kasi hindi sya makasampa sa kabayo nya.

"Bahala ka na jan"

Gusto kong matawa sa pang iisnob na ginawa ni V pero gusto ko ding maawa kay Gory.

Pano kaya sya tutulungan ng boyfriend ko kung naiinis parin sa kanya si V. Kahit na obvious namang jokla tong si Gory, ayaw parin ni V na naglalalapit ako sa bading na to. Haaaist.

"Here. Let me help you"
Pag pepresenta nung isa kong kaklase. Lumapad naman kaagad ang ngiti ni Gory at nangisay sa kilig.
OO! Pinahalata nya talaga ang pangingisay nya.
HANEP!

"Alam nyo na ang gagawin nyo ha. Naipaliwanag ko na kanina." Nakaupo kaming lahat sa kanya kanya naming kabayo habang nakikinig sa instructor namin. "Sa bandang yun lang muna kayo para hindi kayo gaanong mahirapan. Para sa professional lang ang obstacles dun kaya wag kayong gagawi dun Okay?" Nag tuturo si sir ng mga obstacle na pwede naming pagdaanan at mga bawal puntahan.

"Yes sir!" Sabay sabay namang sagot.

Nag kanya kanya na ang iba matapos yun.
May groups din para fair ang pagkakagamit sa ibang obstacles.

Hindi pa ako marunong kaya hindi muna ako sumusubok sa patalon talon ng mga kabayo.
Pinapatakbo ko lang ito pero mabagal lang muna para masanay na ko.

Medyo malayo din ang narating ko. Tahimik na sa parteng ito at panay puno ang nakikita ko.
Papabalikin ko na sana ang kabayo ko nung makarinig ako ng yabag mula sa likod ko.

When she entered Adonis Academy (complete)Where stories live. Discover now