Chapter 16: Acquaintance Party (continuation)

9.8K 335 145
                                    

Chapter 16: Acquaintance Party (continuation)

JIN'S P.O.V

Ayoko nung paraan ng pagtingin ni V sa pinsan ko.

Magdadrum na nga lang, kailangang nakatitig pa kay Louisa?

Nakakataas ng presyon ng dugo!

Ngayong tapos na silang tumugtog, heto na sila at bumababa ng stage. Pag talaga sya, tumabi kay Louisa! Naku naku! Alam na!

"may gusto ba sayo si V?"

Nakita ko ang gulat sa mukha ng pinsan ko dahil sa itinanong ko.

Hindi ko na napigil ang bibig ko. Gusto ko na kasi malaman ang totoo. Ayoko ng ganitong umaasa ako.

MAHIRAP.

MASAKIT.

"w-wala syempre. Ginawa mo pang bakla yung tao!" sagot nya.

Sabagay.

Alam kong hindi bakla si V.

Weird lang sya pero hindi sya gay.

                    

Alam ko ang amoy ng dugo ng mga bakla at nasisiguro kong hindi pink ang dugo nya. He's straight!

"ikaw nga jan." tumaas ang kilay ko sa sinabi nya.

"anong ako?"

"ikaw jan yung mukhang inlove." nagsalubong na ang kilay ko. Ngumisi sya ng nakakaloko. "type mo si Nicole noh? Yieereeee"

Nanlaki ang mga mata ko sa paratang ng hayop na pinsan kong to! JUSKO! Nakakarumi!

"excuse me?!!"

Tumawa sya ng malakas at umub-ob pa sa lamesa. Inuntog untog pa nga ata nya yung ulo nya sa lamesa na para syang nababaliw.

"you blushed bro. Hahaha. Uyyyy. Nagbibinata! Hahaha"

Nalaglag ang panga ko at napahawak sa pisngi ko.

Did i really blush?

Sheet! Bakit naman ako mamumula?

 

"Shut up!"

Tumayo ako at tumakbo papuntang banyo. Hindi ko na keri yung kagagahan nung pinsan ko. Lintek na yun! Gagawin pa kong tomboy. EWWWW

CHEVY'S P.O.V

"ang astig mo pare! Apir naman jan"

Nainis ako bigla dito sa lalaking to. Ayoko sanang makipag apir sa kanya kasi tinawag nya kong pare pero ayoko naman magmukhang bastos kaya nakipag hi-5 parin ako.

When she entered Adonis Academy (complete)Where stories live. Discover now