Chapter 11: pogi-er

12K 419 214
                                    

Chapter 11: pogi-er

LOUISA PILARES’S POINT OF VIEW

Masyadong mahalay yung nakita ko! hooo!

Hindi naman sa sobrang halay. Mejo kinilabutan lang ako sa naabutan ko.         

The fact na naka boxers lang sya tapos ganung magazine ang binabasa nya, talaga namang nagtitindigan ang balahibo.

I’ve never seen that side of him!

“hi pare” nakangiti syang umupo sa tabi ko kaya napabalikwas ako ng upo.

Ang lapad lapad ng ngiti nya na para bang walang nangyari kahapon.

Well, di nga pala sya affected kaya back to normal lang ang kilos nya samantalang eto ako at pinanlalakasan ng tibok ng puso.

Tinanguan ko lamang sya bago muling itiuon ang pansin sa cellphone ko. naglalaro kasi ako ng stick hero kasi wala pa kaming prof.

Hindi nya inalis ang tingin nya sakin and I find it weird pero mas weird yung sunod nyang inasta.

Para kasi syang biglang natauhan at parang may naalala. Nangunot ang noo ko nung talikuran nya ko at may kinuha sa bag nya.

Nakangiti pa sya at mukhang proud na proud na ipinatong sa lamesa nya yung FHM magazine.

Iba yung cover at hindi yun yung kahapong binabasa nya.

WHAT THE HELL?

Laglag panga ko syang pinagmasdan habang unti unting binubuklat yung MAG.

Nakakaloko yung ngiti nya kaya parang gusto ko tuloy syang sapakin ng isa.

Ang lakas ng loob nyang magdala ng ganung uri ng magazine… at sa loob pa talaga ng classroom!

Pasalamat sya at wala pang klase!

Haaaaay jusko Chevy Saavedra!

 

“Bakit ka may dalang ganyan?!” napalakas yung tanong ko pero potek! Wala na kong paki!

Di ko maatim tignan yung mga babae sa magazine kaya dapat nang itago yun!

Susmaryosep!

“kasi lalaki ako!”

Napaawang ang bibig ko sa isinagot nya.

Alam na ba nyang babae ako at pinapatamaan nya ko sa sinabi nya?

“a-ah sige”

Di na ko sumagot pa. nasindak eh!

Baka magkabukingan dito ng wala sa oras. Mahirap na.

 

“ang tunay na lalaki, mahilig sa babae kaya mahilig ako dito kasi tunay akong lalaki. Hindi ako bakla” nakangiti nyang sabi na ikinangiwi ko.

When she entered Adonis Academy (complete)Where stories live. Discover now