Chapter 19: :(

9.9K 349 29
                                    

Chapter 19: :(

LOUISA’S P.O.V

 

Hindi naman siguro ako mukhang malandi kung sasabihin kong katext ko na si V?

Ewan! Parang ang pangit kasi tignan na magkatext kami. Parang ang sama ko din kasi parang inuuto ko na sya.

Totoo naman na si ‘LOUISA’ ang katext nya which is ‘AKO’ pero kasi pag tinatanong nya ko kung anong ginagawa ko, minsan ang sinasagot ko ay, nagshoshopping, nagpaparty, nagpapa-spa, naghahang out with friends, blah blah blah. Puro kasinungalingan.

Ganun ang Gawain ko dati pero marami nang nabago kaya eto at lalaki na ang itsura ko unlike noon, puro pagpapaganda at pag eenjoy ang inaatupag ko.

 

“anong ipapabili mo?”

Napabalikwas ako ng tayo sa kama nung biglang sumulpot sa harap ko si Jin.

“bilhan mo kong maraming magnum tsaka malaking stick-o” sagot ko naman.

“yun lang?” he asked habang inililista sa grocery list yung gusto ko.

“yep. Kaw na bahala sa mga pang ulam natin”

Tinanguan nya nalang ako bago tuluyang lumabas ng dorm.

Saturday ngayon at syempre walang klase kaya chill chill lang ako.

Hindi ko kailangang mag wig at magpakalalaki kasi wala namang makakakita.

 

*bzzzzzzzt*

Mabilis akong napatingin sa phone ko nung madama ko ang pagvibrate nito.

Hindi ko alam kung bakit napangiti ako nung makita kung kanino galing yung text at dahil nga napansin kong napangiti ako, agad kong binura yung smile sa mukha ko.

‘Si V lang ang nagtext Louise! Bakit ka ngumingiti ngiti jan?’

-‘please please please. Pa fansign naman Louise.’

Nailing nalang akong napatawa dahil sa kakulitan nya.

 

-‘ang jejemon mo naman. Di na uso ang fansign. Tsaka para san ba at gagawan pa kita nun?’

Kanina pa kami magkatext at kanina nya pa ko kinukulit tungkol jan sa fansign na yan. Isang ka-Jejehan!

-‘para may patunay ako sa mga friends kong katext nga kita. Ayaw nilang maniwala eh. Di ka daw makita sa fb. Akala nila, imagination lang kita L ‘

Agad akong tinamaan ng kaba dahil sa reply nya.

When she entered Adonis Academy (complete)Where stories live. Discover now