Chapter 32: m-magmamakaawa sayo

9.5K 360 67
                                    


Chapter 32: m-magmamakaawa sayo
LOUISE'S P. O. V

Kahit anong pilit ko, maya't maya parin akong napapangiti.
Konting push pa at baka maging permanente na sa mukha ko tong walangyang Smile na to yet i don't feel like brushing my smile off my face.

Masaya ako at gusto kong ipadama sa kanya yun.

"ehemm" nadama ko ang pagdampi ng likod ng mga palad namin. Napanguso tuloy ako dahil pinipigilan ko ang mas lalong paglaki ng ngiti ko. "pare ko" lumapit pa sya sakin at pasimpleng kinalabit ang kamay ko.

Naglalakad kami sa hallway ngayon kaya naman kahit gustong gusto ko ang mga pasimpleng paghawak ni V sa kamay ko ay umiiwas parin ako.
Nag-angat nalang ako ng ulo upang tignan sya at parang gustong tumalsik ng puso ko nung maabutan ko ang masayang mukha nya.

Kagat kagat ang labi habang diretsong nakatingin sa daan.

Nakarating kami ng room ng masaya pero nung makita namin ang kirat na mga mata ni sir Lee Min Hong, dun na ko tinubuan ng kaba.

Masyado bang nagtagal ang landian namin ni V sa utility room? to the point na.... Malate kami sa klase.?

Nakuha namin ang atensyon ng mga kaklase ko kaya tuloy, nafocus din samin ang paningin ni sir.

Sinasabi ko! Kung kayo ang nasa posisyon ko, macoconscious kayo sa katawan nyo. Feeling ko kasi, hinuhubadan na nila ko sa titig nila.

Yumuko ako sa kahihiyan lalo na nung magtanong si sir kung bakit kami late.

Gusto ko sanang yumakap sa bisig ni V at umacting na super clingy girlfriend na tila binubully para makachansing pero alam kong hindi pwede kasi lalaki kami sa paningin ng mga tao.

Narinig kong tumikhim si V bago lumabas sa bibig ang mga dahilan na pawang kasinungalingan lang naman.

Aysoooos. Di pa sabihing nag papakan kami sa madilim na silid. Hahaha.
Shet naman tong isip ko. San ko nakuha yun??

"Pare"

Nag aalangan pa ko kung lilingunin ko sya.

Alam mo yun? Kahit na wala namang ibang taong nakakaalam sa kung sino ba ako at sa kung anong relasyon namin ni Chevy, naiilang parin ako. pakiramdam ko tuloy, meron kaming karumaldumal na inililihim.

"Uy. Pahard to get sya"

Napangiwi ako sa sinabi nya at mabilis na napatingin.
Nahuli ko ang mapanuksong ngiti nya kaya tuloy otomatikong tumirik ang mga mata ko.

"Shhhh" suway ko.
Pano ba naman, nasa loob pa kami ng room tapos ganyan ang sasabihin nya.
Parang wala kaming mga kaklase ha!

Ngumuso sya. Tipong nagpapaawa ang mokong. Akala mo naman cute...... Ok fine. Sobrang cute nya!

Gusto ko mang mapa-awwwww sa sobrang ka-cute-an nya ay inirapan ko nalang sya bago pasimpleng sinipa ang paa.

Humagikhik sya kaya naman napatingin na sa gawi namin ang nakataas ang kilay na si Jin.

Napayuko nanaman tuloy ako.

"cutting tayo after this ha"

JIN'S P.O.V

Naiinis ako kay Louisa at V. Susko! Halatang halata na namang may namamagitan sa dalawa tapos pag nahuli, kung yumuko parang hiyang hiya.

Nakakainis lang kasi.
Bakit kasi ganun makangiti si V. Makalaglag brief ang gago.
Pero noon yun! Mejo proud na kong sabihin na hindi na ganun katindi ang epekto saakin ng mga mata nya.

When she entered Adonis Academy (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon