Chapter 49: Lunch out

8.2K 321 115
                                    

Chapter 49: Lunch out
CHEVY'S P.O.V

I love the feeling of her body beside me. Pakiramdam ko, akin lang sya. Yung wala nang makakaaga tryw pa.

Ang higpit ng yakap ko sa bewang nya. Halos makalimutan ko na nga na nasa kwarto nya ko at nasa kabilang kwarto lang ang dad at kuya nya.

Napangiti ako bago ko binaon ang mukha ko sa leeg nya.

No, were not naked. Pinangako ko sa kanyang hindi ko sya gagalawin hanggang sa tuluyan na syang maging sakin. I promised to her that next time we'll do it, It'll be the night of our wedding.

Last night will be one of the unforgettable moment of my life dahil kagabi lang, hindi man directly ay alam kong binasbasan na ko ni Daddy para sa anak nya. Haha.

Ang sarap nya tawaging daddy.
shhhhh lang kayo ha. Baka masabi nyo kay daddy, mabatukan pa ko. Sabihing ang advance ko masyado.

Nadama ko ang pagkilos nya kaya mas napangiti ako. Tinitigan ko ang nakapikit nyang mga mata.

Yung puso ko, nag tata-tumbling nanaman sa saya.

I move closer para halikan sya sa pisngi nung marinig ko ang pagbukas ng pinto kaya agad akong napapikit.

"Wag ka nang magtulog tulugan. Bangon na, tulungan mo kami sa baba"

Una kong dinilat ang isa kong mata para lang makita si Daddy na naka pamewang sa tapat ng kama ni Louisa.
Nagtaas sya ng kilay kaya nataranta ako at napabangon kaagad.

"O-okay po" nagpapahid ng mukha akong tumakbo palapit sa kanya bago sya nangunang lumabas ng kwarto.

Pigil pigil ko ang ngiti ko sa saya. Iniisip ko lang noon kung paano kaya pag naging legal na ang relasyon namin sa pamilya namin, iniisip ko kung pano ako tatratuhin ng future father at brother-in-law ko tapos ngayon....... Para akong nagpapaslide sa rainbow. Ang saya pala sa pakiramdam. Ang gaan sa loob lalo na nung pinagkatiwalaan nila kong matulog sa kwarto ni Louise.

"Bakit nasa kama ka? diba sabi mo sa sahig ka matutulog?" napalunok ako sa tanong ni Daddy.

"a-ahh sa sahig nga po ako sir natulog. K-kanina lang po akong ano... m-madaling araw tumabi sa kanya. Sorry po"

Nakagat ko ng labi ko.

Oh my!! nakakahiya!! Nakalimutan kong nangako nga pala akong sa sahig ako tutulog.
Patay. Minus points na ba yun?

"Siguraduhin mo lang na di mo chinansingan ang anak ko. Patay ka sakin"

Napalunok ako. Kahit nakatalikod sya sakin, alam kong serious much si Daddy.

"H-hindi po!!" agad kong tanggi.
Chansing bang maituturing yung pagyakap ko at paghalik sa kanya habang tulog? h-hindi naman noh?

"Good morning po" bati samin nung katulong na nakasalubong namin.

"Good morning!" masayang sagot ko kahit na ni-snob lang sya ni daddy.

Nilingon pa ko ni Daddy ng nakataas ang kilay na animo'y malaking kasalanan yung pag good morning ko sa katulong.
Hala baka iniisip nyang chickboy ako at chinichix ko yung kasambahay nila!!!!

"Ganyan ka ba talaga? Sobrang energetic?"
napaawang nalang ang bibig ko at napakamot sa batok.

"mejo po sir" nahihiyang sagot ko.

"call me tito." aniya na nagpalaki ng mga mata ko.

"huh?" mejo di ako makapaniwala kaya napa huh ako. hahaha. Grabe! the feels!

"call me tito instead of sir. You're being too formal" aniya bago ako tuluyang tinalikuran at pumasok sa kusina.

Natigilan naman ako at napaiyak sa saya.
De joke lang.
Pero seryoso! sobrang saya ko.
One step closer bago ko sya tuluyang matawag na daddy. nyahahaha.

When she entered Adonis Academy (complete)Where stories live. Discover now