Chapter 10: Seduce

12.2K 416 147
                                    

Chapter 10: Seduce

LOUISA’S P.O.V

Nakakabadtrip pag naaalala ko yung lintek na ex kong yun at pati kung paano nya ko pinagmukhang kabit noon! Sht sya!

Maaga pa naman kaya makalabas muna.

Tinignan ko ang wrist watch ko.

5:30pm pa lang kaya keri pa. 8 ang curfew at 8 pm din nagpapasok ng mga babae dito. Ayoko namang masaksihan ang mga yun mamaya kaya aagahan ko nalang ang uwi.

Di na ko nagpaalam kay Jinn a kasalukuyang nasa C.R.

Lumabas agad ako suot suot ang gray hoody ko.

Maglilibot muna ko. Maghahanap ng garden o kung anu mang peaceful place.

I remember, may nakita ako noong maliit na garden na may fountain sa gitna kaya pupuntahan ko iyon.

Ganun nalang ang gulat ko nung malamang hindi lang ako ang tao doon.

Pagkadating na pagkadating ko kasi, namataan ko kaagad si basty na nakaupo sa gilid ng fountain.

Nakatungtong ang parehong paa nya sa bench na dapat naman ay inuupuan nya.

Tahimik lang syang nagbabasa dun. Ni hindi nya nga napansin ang presensya ko.

 

“bakit jan ka nakaupo?”

Pangbungad ko sa kanya bago ako umupo sa bench na inaapakan nya.

Nakita ko ang gulat sa mukha nya nung makita ako.

Dali dali pa syang tumalon pababa ng fountain at nanatiling nakatayo sa gilid ko.

“wala lang. ikaw? Bakit nandito ka?”

 

“wala lang din”              

Nginitian ko sya kasabay ng pag angat din ng gilid ng labi nya.

Ang pogi talaga ng lalaking to! Mukhang anghel!

Ang sarap tignan ng mukha jusmiyo!

Umupo sya sa tabi ko sabay sara nung librong binabasa nya.

“nagbabasa ka ng greek mythology?” I asked nung makita yung cover nung book.

Hindi ako mahilig magbasa ng libro at never pa akong nakapagbasa nyan pero maraming nagsasabing maganda daw magbasa ng tungkol sa mga gods and goddesses. Ewan ko lang.

“minsan lang to.” Tipid na sagot nya.

“so you came here just to read?”

Tinignan nya ko ng mataman bago dahan dahang tumango.

When she entered Adonis Academy (complete)Where stories live. Discover now