Chapter 45: I love you...

7.9K 307 53
                                    

Chapter 45: I love you...

I never stop hoping na maibabalik sa dati ang lahat.
I always wish na sana bukas, kausapin nya na ko.
Hanggang ngayon, hinihiling ko parin yun dahil hanggang sa ngayon, wala paring pagbabagong nagaganap.

Ang tanging nangyayaring maganda pa lang ay ang pagkakakick out ni Clint.
Kasalanan nung gagong yun pero hindi ko sa kanya pwedeng isisi ang lahat dahil kasalanan ko din naman.

It is also my fault. Kasalanan ko kaya naghihirap ako ngayon sa sitwasyon namin.

Araw araw, palihim akong pumapasok sa dorm nila para bisitahin sya.
I am the Club leader after all kaya nagawan ko ng paraan para makakuha ng duplicate key ng dorm nila.
Tinutulungan din ako ng barkada. They always ask Jin out at kapag wala na si Jin, dun palang ako nakakabisita.

Mahirap kasi kahit ganun ang set up, hindi ko parin nakakausap si Louisa.
Palagi syang tulog kapag nadadatnan ko. But it's okay. Sapat na sakin ang masilayan sya.

Masaya na kong makasama sya. Pero may kirot parin sa dibdib.

Never kong naramdaman ang ganitong sakit sa mga naging girlfriend ko. Nakikipag break na sila pero chill lang ako.
Pero iba si Louisa. Hindi pa man kami hiwalay, nasasaktan na ko.

Araw araw, dinadasal ko na maayos na namin ang relasyon namin.
Kagaya ngayon. Naglalakad ako sa hallway papasok ng room.
Hoping na makita ko sya.
Hoping na makausap ko na sya pero nung nasa amba na ako ng pintuan, napasimangot nanaman ako.

As usual, wala parin sya.

"dude are you okay?" tanong kaagad sakin ni Jay nung makaupo na ko.

I shook my head.
It's so obvious that i'm not okay so anong point ng pagtanggi?
Alam nila ang pinagdadaanan ko at masaya ako na sinusuportahan nila ko pero hindi parin yun sapat para tuluyan akong maibalik sa dati.

Tahimik lang akong nanatili sa upuan ko nung kausapin nanaman nila ko.

"Uuwi na daw ang dad ni Louise" I stiffened upon hearing Ralph say that.

Alam kong saakin nya yun sinasabi.
"Hindi ko alam ang buong detalye pero sabi ni Jin, galit na galit daw ang daddy ni Louise"

Pinipigilan ko ang sarili kong tuluyang manghina sa narinig.

Posible bang nalaman ng daddy nya ang kagaguhan ko?
Galit na galit sakin si Jin kaya maaring nasabi nya sa daddy ng girlfriend ko ang katarantaduhan ko.

Lumunok ako nung maisip ang mga posibleng mangyari.
Baka ilayo nila sakin si Louise.
Baka itago nila sakin ang girlfriend ko.

Iniisip ko palang ang mga pwedeng mangyari, pinanghihinaan na ko ng loob.

Nadama kong may isang kamay na pumatong sa balikat ko.

"Don't worry dude. Everything's gonna be fine. Nandito lang ang tropa. Di ka namin pababayaan"

Nilingon ko sila para ngitian ng tipid. Pasalamat nalang talaga ako at may mga kaibigan akong katulad nila.

Humarap ako sa unahan at maya't maya'y tumitingin sa pintuan sa tuwing may maaaninag akong papasok.

Naalala ko tuloy sa t'wing pumapasok ng pintuan ang girlfriend ko.
She always have those smile that drives me crazy.
Nakatingin sya sakin ng diretso na para bang wala kaming mga kaklase. It's like were living in our own world. No one exist but the two of us. Namumula ang pisngi nya kapag kinikindatan ko sya tapos kukurutin nya ko sa kilikili at pagsasabihang wag syang kindatan, baka daw may makahalata.

I shook my head, tryng to erase the thought kasi lalo lang akong nalulungkot.

Yumuko nalang ako at nag pasak ng head phone sa tenga pero ilang saglit lang ay may kumalabit sakin mula sa likod kaya tinignan ko iyon kasabay ng pag alis ng earphone.

When she entered Adonis Academy (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon