Chapter 33: movie marathon

9K 337 41
                                    

Chapter 33: movie marathon
CHEVY'S P.O.V

It's been an eventful day yesterday.

Una.... Sinagot na ko ng babes pare ko. Tapos nakilala ko na ang kuya nya at nakuha ko na din ang basbas nya.

Tae.
Hindi ko alam na ganun ako magiging masaya kahapon.
It was like, the happiest day of my life.
Hindi ko alam na posible palang maging ganoon ako kasaya.

Tumayo ako sa harap ng salamin at tinitigan ang itsura ko.

Sobrang pogi ko pero halata yung dark circles sa palibot ng mata ko.
Senyales na hindi ako nakatulog.

Oo. Hindi ako nakatulog.
Kung anu-ano kasing naiimagine ko. Hahaha. At isa pa, naging busy ako sa pagsta-stalk sa GIRLFRIEND KO!
Wooooah. Sarap mabuhay!!

Nag request ako na maging in a relationship kami sa fb kagabi tapos inaccept nya agad agad.

Sobra ang kilig ko. Potah! ang gay kong tignan pero wala namang nakakakita kaya okay lang.

Agad ko syang chinat at yun, inabot kami hanggang alas dose.
Pinatulog ko na sya pero ako naman ang hindi nakatulog.

Haaaaay.
Louisa Louisa Louisa!
Anong ginawa mo sakin?

Isinakbit ko na ang bag ko ng may ngiti sa mga labi.

Makikita ko nanaman kasi ang babes pare ko.
Mahahawakan ko ulit ang kamay nya. Matitigan ko ulit sya. Makikita ko nanaman yung magandang ngiti nya at higit sa lahat, mahahalikan ko nanaman sya.

Kanina ko pa pinaplano kung paano ko sya palihim na makikiss. Kung saan kami magkukulong.

Ay teka. Ang pervert ko nang pakinggan pero shet, eto talaga nasa isip ko eh. Lalaki lang ako pero kung ayaw naman nya, hindi ko naman sya pipilitin.
Mas matimbang ang pagmamahal ko kesa pagnanasa.
Ang gusto ko lang naman ay maramdaman yung malambot nyang mga labi.

"Good morning!"
Bati ko sa mga nakakasalubong ko. "Hi. Good morning sa inyo"

Mejo natitigilan pa yung mga binabati ko pero sa huli, nginingitian din nila ako.

Nung makapasok ako ng room, si Louise kaagad ang hinanap ng mga mata ko at tuluyan na ngang kumawala ang malaking ngiti ko nung makita syang pinagmamasdan din ako.

Kinikilig nanaman ako mga dude!

"Uy!!! Lumalovelife!!!!"

Namilog ang mga mata ko at ganun din si Louise nung bigla kaming asarin ni Jimmy.

"H-ha?"

Napatingin ulit ako kay Louise.
Alam kong natetense sya dahil halata sa itsura nya.

Alam na ba nila?
Pero paano?

Marahan akong umiling kay Louise para sabihing wala akong sinasabi sa barkada tungkol sa relasyon namin.

"Hoy Luis! Bakit mo hinayaang magkatuluyan ang kapatid mo at yang lalaking yan! Lugi ang kapatid mo, sinasabi ko sayo"

Parang dahan dahang naglaho ang pangamba sa mukha nya.

"Grabe. Kalat na sa facebook yung relationship status nyo. Pooocha dude. Ang swerte mo. Hahaha" sabi ni Jay nang may malaking ngisi.

Sht!
Akala ko, alam na nilang babae tong pare ko. Kinabahan naman ako dun.

Hindi pa nga ako tuluyang nakakaupo ay pakiramdam ko, mapapaupo nalang ako sa panghihina ng tuhod ko.

"Sobrang swerte ko talaga"
Nginisian ko sila ng may pagmamahili bago isa isang umapir sa kanila. Kabilang na dun si Jin na may ngisi din sa mukha.

When she entered Adonis Academy (complete)Kde žijí příběhy. Začni objevovat