Virgin no. 17

Magsimula sa umpisa
                                    

"Dahil mukha kang HITO!"

"Ows? Talaga! Akala ko---- Uuy, pinsan san ka pupunta?"

Napatingin din ako kay Mint ng bigla na lang kami nilagpasan.

Iba-ibang KARAKTER talaga nito. Di ko maintindihan. Masungit. Mabait. Gwapo. Tapos nagiging EVIL. Isnabero. Parang laging may Post-Partum Blues! Yung parang bagong panganak na babae!

"Honey!" War Mode ako na tumingin dito. "Mamaya ah." Tumakbo ito kasunod ng pinsan nito sabay kumindat. "Kitakits!"

Napailing ako. Tss. Isip Bata. Pero sabi dati nung mga nakausap ko dati kung makaasta yan parang ayaw sa mga babae. Ngayon siya pa talaga ang nagyaya ah..

Nakaramdam ako ng pagsiko sa tagiliran ko. Si Colyn.

"Nagseselos ata si Mint." Bulong nito.

"Yung tuod na yun? Nagseselos. Asa." Pero tiningnan ko ulit ang tinahak nitong daan.

Halos lahat ng babae tumitingin sa magpinsan. Sarap patamaan ng ShotGun kung makangiti wagas.

"Selos ka din no?"

"Tigilan mo ko Colyn. Issue ka." Nauna na akong naglakad sa kanila.

AKO?! MAGSESELOS?!

NEVAAAAAAHHH!

******

"Hataw mo pa Beybeh!"

"Igorot Style!"

"Igorot ala Gangnam Style!"

May Live Band na ang pangkaraniwang tinutugtog ay pang Ethnic.

May BonFire sa gitna at doon sa paligid sumasayaw.

"Ansaya.." Umupo sa tabi namin si Khristel na siyang siya sa daming nakasayaw. "Kayo? Anyare sa inyo? Ayaw niyo sumayaw?"

"Hindi ako sumasayaw." maikling sagot ko kay Khristel. Eh, sa hindi naman talaga eh!

"Wala si Edrik." Sabi naman ni Colyn bago dumating sa akin. "Minsan nga Polly. Overnight tayo sa inyo."

"Para ano? Rape-in mo si Kuya?"

"Grabe ka!" Then she giggled. "Ako ang rarape-in niya. BWAHAHA-- Aray!"

"Nangarap ka nanamang dilat." Batok ni Khristel. "Oh, tingnan niyo parating si Terrence dito. Tumayo ka na Polly ikaw hanap niyan."

At sa isang iglap. Bigla itong sumulpot sa harapan ko. Nakaupo pa kami sa malaking troso kaya napatingala ako dito.

The Virgin WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon