Virgin no. 40

59.1K 792 113
                                    

Dapat nung isang ARAW pa ako nagUPDATE ang kaso.. ayoko yung nagCOCOPY-PASTE ako sa LAPTOP ng nakaharap yung mga PINSAN ko. Nakakahiya kaya! Tse! :) Nakuu, Thank You! Ngayon ko lang nakita. BILIS niyo! 300K na siya.. Magbibirthday akong masaya. :D (Sinasabi ko lang naman :D)

*****

Virgin no. 40

"Damputin niyo lahat iyan! Huwag na huwag kayong titigil hangga't hindi ko nakikitang malinis iyan! Maliwanag?"

"Y-yes! M-ms. P-president."

Halos bunutin lahat ng mga lalaki at mga babae ang lahat ng damo na nakapaligid sa isang part sa Botanical Garden sa pamamagitan ng kamay nila.

Parusa nila iyan sa pagdala ng mga PORN MAGAZINE, panonood ng RatedX Movie at pagiging PDA sa loob ng school. Dapat lang na malaman nila na BAWAL na BAWAL ang ganoong mga bagay dahil SCHOOL ito. Hindi SEX UNIVERSITY!

Ngayong nakaraang araw parang mas naging tentative ako sa paligid ko. Naging mas observant ako at mas nakakatakot, ayon iyan kay Colyn at Khristel.

Halos lahat ng masalubong ko sa Hallway nagsisitakbuhan kapag alam nilang paparating na ako. Tinatanggal nila ang Piercings nila. Yung palda ng babae pinapahaba nilang bigla. Yung mga babasahin nila tinatapon nila may mga tao lang talagang pasaway at nakakapagpuslit pa talaga.

"TAPUSIN NIYO! BILIS!"

Halos hindi na nila alam kung ano ang uunahin nila. Minsan nga nakokonsensya ako. Minsan kasi napapagbuntong ko sa kanila yung galit ko. Personalan? Hindi. Pero naasar ako, nakikisama pa sila.

"... Break na tayo.."

TANGINA! MAMATAY na siya! Bwisit niya! PAASA SIYA! PAASA! Ngayon ramdam na ramdam ko na kung ano ba yung meaning ng kantang.. "Pinaasa niya lang ako.. lecheng pagibig ito.."

"Pero si Mint, hindi niya binabawal." Bulong na sabi nung isang lalaki.

Wala sa sariling tinitigan ko ito ng malalim.

"Anong sabi mo?!!"

"W-wala po." Tyaka tumingin sa tinitingnan niya kanina.

Wala sa sariling napatingin ako doon. Nakita ko sa bleachers ang dalawang babae habang hinahalikan nung isa si Mint.

Nagrigodon ang puso ko.

"Hoy." Tawag ko sa lalaking bumubulong kanina."Alis."

"P-po?"

"Bingi?" Nilapit ko yung bibig ko sa tenga niya. "U.ma.lis ka.na. UMALIS KA NA!"

Nagulat yung lalaki sabay tayo saka umalis. Huminga ako ng malalim bago puntahan yung MINT na iyan.

Nang nasa harapan nila ako. Biglang tumigil yung mga babae saka nanginginig na humarap sa akin.

The Virgin WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon